Army reservist na si Ronnie Liang, naghatid ng health workers sa mga ospital - The Daily Sentry


Army reservist na si Ronnie Liang, naghatid ng health workers sa mga ospital




Dahil sa mass transport suspension na ipinapatupad ngayon sa kalakhang Luzon bilang isa sa mga paraan para labanan ang C0VID-19, kinailangan na ang tulong ng mga militar para maghatid sa mga health workers sa iba't-ibang ospital.

Ang actor, singer, at pilot na si Ronnie Liang ay kasama ng mga militar na naghatid sa health workers base sa kanyang Instagram post noong March 18. Isa si Liang sa mga reservists ng Philippine Army.

“On our way para sunduin and mga doctors and nurses, our front liners laban sa cover 19. Gamit namin and bus ng Army,” saad ni Liang sa isang Instagram post.

Natanggap ni Liang ang kanyang black beret matapos nyang makumpleto ang kanyang military training noong February 14.

Ang mas pinaigting na visibility ng mga kasundaluhan, kasama ng mga kapulisan, ay ipinatupad kasunod ng direktiba ng Pangulong Rodrigo Duterte na Luzon-wide enhanced community quarantine.