Libreng paggamit ng alcohol sa mga Jeep at Tricycle, pinuri ng mga netizens - The Daily Sentry


Libreng paggamit ng alcohol sa mga Jeep at Tricycle, pinuri ng mga netizens



Habang ang iba ay nagpapanic buying sa mga supermarkets para sa kanilang pagkain at iba pang pangangailangan tulad ng alcohol at anti-bacterial sanitizer upang labanan ang Covid-19, may ilang jeepney drivers at tricycle drivers ang nagpamalas ng kanilang kabutihang loob.
Imahe mula Facebook

Sa Facebook post ng netizen na si Angelo Castro Tan, ibinahagi nito ang mga larawan ng mga pampasaherong jeep at tricycle na mayroong alcohol na pwedeng gamitin ng libre.

Ayon sa post ni Tan, kung ang ilang nakakaangat sa buhay ay bumibili ng sandamakmak na alcohol para sa kanilang sarili, ang ilang kapos naman sa buhay ay nagawa pang bumili ng alcohol upang ipagamit ito ng libre sa kanilang mga pasahero.
 Imahe mula Facebook

 Imahe mula Facebook

Imahe mula Facebook

Narito ang kanyang buong Facebook post ni Tan:

“just imagine, ikaw marami kang pera nakakaangat ka sa buhay kaya bumili ka ng basket-basket na alcohol kasi gusto mo maging safe ka o yang pamilya mo kasi wala kang pakielam sa ibang tao na mauubusan or baka dahil mautak at selfish ka kaya mo binili kasi ibebenta mo ng mas mahal. While itong mga taong to binawas pa sa maliit nilang kinikita yung pinambili ng alcohol just to make sure na safe din yung mga nagiging pasahero nila. Learn the difference totoo nga yung sinabi nila na "May mga taong mayaman sa buhay pero hindi marunong makipagkapwa-tao at mayroon naman na pinagkaitan ng marangyang buhay pero may pagmamahal at malasakit sa ibang tao." Salute to these drivers! Mabuhay kayo!”


Narito ang ilang komento ng mga netizens:







***