Renta ng nangungupahan libre ng isang buwan - The Daily Sentry


Renta ng nangungupahan libre ng isang buwan



Viral ngayon sa social media ang post ng isang netizen matapos siyang sabihan ng kanyang landlady na libre na ang isang buwan niyang renta sa kanyang inuupahan.
Ang larawan na ito ay hindi ang aktwal na imahe ng nirerentahan ni Melinda / Imahe mula MyProperty.ph 

Sa Facebook post ni Melinda Lagusad Tagra, ibinahagi nito ang screenshot ng mensahe ng kanyang landlady na nagsasabing sa susunod na buwan na lamang siya magbayad ng renta.

Hi Melinda, sa April 15, wag ka magbayad ng upa, Bali ang next payment mo sa May 15 na, ifree ko na ung 1 month rent Dahl sa crisis ngaun. Ingat nlang kayo. Salamat.”
Screenshot mula sa post ni Melinda Lagusad Tagra

Dati sa labis na tuwa ay ipinost ito ni Melinda sa kanyang Facebook account at umani naman ito ng mga papuri mula sa mga netizens.

Sa ngayon ay umabot na sa 21k reactions, 8.5k comments at 70k shares ang nasabing post.

Narito ang buong post ni Melinda:

“Thank you Lord kakareceived ko lang po ng messege from our Landlady na hindi po kami magbabayad ng rent for 1month. Laking tulong po talaga.napakabait nya po at naintindihan nya ang situation ngayon.

Pagpalain po kayo lalo sa Poong Maykapal sa kabutihan nyo po. Salamat po ulit.”



Sa kanyang recorded speech sa MalacaƱang, nakiusap si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga nagpaparenta ng bahay na kung pu-pwede ay huwag ng singilin ang mga nangungupahan sa kanila. 

Hindi ko sinasabing batas ito. Ang sinasabi ko kung ikaw ay Pilipino na nagmahal sa kapwa mo tao baka you can mitigate the hardship,” sabi ni Duterte.

Kung ayaw mo, wag mo pilitin na magbayad, patirahin mo muna diyan sa lugar niya, ako ang magbayad,” dagdag nito.


***
Source: Melinda Lagusad Tagra | Facebook