Tatay, nagtahi ng face masks para ipamigay sa mga nangangailangan - The Daily Sentry


Tatay, nagtahi ng face masks para ipamigay sa mga nangangailangan




Nagkalat man ang mga nanamantala sa panahon ng krisis na kinakaharap ng bansa ngayon, isang tatay ang umani ng papuri matapos ipakita ang kanyang malasakit sa ibang tao sa kanyang munting paraan.


Sa larawan na in-upload sa Facebook ng netizen na si Melissa Contreras Miguel, makikita ang kanyang tatay na nagtatahi ng face masks.

Ayon kay Melissa, sa pamamagitan ng pagtatahi ng mga face masks at pagbibigay ng mga ito sa ibang tao ng libre ang naging paraan ng kanyang tatay para makatulong sa kapwa sa gitna ng unos.