Upang may matutunan, matandang lalaki araw-araw sumisilip sa isang classroom - The Daily Sentry


Upang may matutunan, matandang lalaki araw-araw sumisilip sa isang classroom



Ang tanging maipapamana ng mga magulang sa kanilang mga anak na hindi kayang kunin nino man ay ang kanilang edukasyon. Kaya naman napakahalaga ng edukasyon para sa mga kabataan.

Ngunit dahil sa hirap ng buhay, marami ang hindi nabigyan ng pagkakataong makapag-aral o makapagtapos.

Ang pag-aaral o kagustuhang may matutunan ay hindi lamang para sa mga kabataan, dahil mayroon ding mga matatanda na gusto paring lumawak ang kanilang kaalaman sa kabila ng kanilang edad.

Samantala, viral sa social media ang mga larawan ng isang matandang lalaking nakasilip sa isang classroom habang may hawak-hawak na lapis at notebook.

Ayon sa Facebook post ng netizen na si Jun De Los Santos, araw-araw umanong pumupunta ang matandang lalaki sa isang classroom upang magsulat ng kahit na ano mang kanyang matututunan.
 Imahe mula sa Facebook post ni Jun De Los Santos

 Imahe mula sa Facebook post ni Jun De Los Santos

Kwento naman ng ilang estudyante, nagtatanong pa umano ang matandang lalaki sa kanila kung meron silang klase kinabukasan upang makabalik siya at mag-aral ulit.

Marami ang humanga sa pagpupusirgi ng lalaki at nais nilang mabigyan ng pansin ang kwento nito.

Sa ngayon ay umabot na sa 8.7k reactions at 5.5k shares ang nasabing post ni De Los Santos.


Narito ang iba't ibang komento ng mga netizens:






***