Kabutihang loob ng isang lalaki sa supermarket, hinangaan ng mga netizens - The Daily Sentry


Kabutihang loob ng isang lalaki sa supermarket, hinangaan ng mga netizens



Sa hirap na kinakaharap natin ngayon sa buong mundo, ang kailangan nating gawin ay magtulungan at magmahalan ang bawat isa.
Photo credit: Marianne Ercillo

Hindi lingid sa atin na ang mga Pilipino ay matulungin sa mga nangangailangan lalo na sa mga kapos palad. 

Katulad na lamang sa isang Facebook post ng netizen na si Marianne Ercillo, ibinahagi nito ang nakakatuwa at nakaka-good vibes na kwento habang siya ay namimili sa isang supermarket.

Kwento ni Ercillo, habang siya ay naghihintay sa pila papuntang cashier, yung lalaking naka-white shirt na nasa harap niya ay may inabot sa isang lalaking naka-dark green na nakapila rin sa kabilang cashier.
 Photo credit: Marianne Ercillo
Photo credit: Marianne Ercillo

Aniya, pera umano ang inabot ng lalaking naka-white.

Sandali namang iniwan ng lalaking naka dark green ang pila at pagbalik nito’y may dala dala na itong “2 packs of Bear Brand.”

Narinig ni Ercillo ang pagpapasalamat ng lalaki sa taong tumulong sa kaniya.

Tuwang tuwa si Ercillo sa kanyang nasaksihan at pinuri niya ang lalaking naka white sa ginawa nitong kabutihan.

“Kay sir na naka white, mabuhay po kayo! May God bless you more! Indeed, angels are among us. 🤗🙏🏼❤

Basahin ang buong post:

“Share ko lang po para ma-inspire tayong lahat...

I was waiting in line sa cashier, sir in white sa harap ko and manong in dark green nakapila sa tabi ko, sa kabilang cashier. I saw the guy in white lumapit kay manong na naka-dark green sabay discreetly nag-abot ng blue bills (1k peso bills, just not sure kung ilan) kay manong na naka dark green. Then bumalik sa pila si sir na naka white while umalis si manong na naka dark green, iniwan saglit ang kanyang push cart. 2 minutes later bumalik si manong na may extra 2 packs of Bear Brand sabay sabi kay sir na naka white, 'maraming salamat po, pandagdag sa gatas ni baby.'

Kay sir na naka white, mabuhay po kayo! May God bless you more! Indeed, angels are among us. 🤗🙏🏼❤


Umani rin ng papuri mula sa mga netizens ang ginawang pagtulong ng lalaking naka-white shirt.





***