Single parent na delivery guy, dinagsa ng donasyon - The Daily Sentry


Single parent na delivery guy, dinagsa ng donasyon



Isang GrabFood driver ang nag-viral kamakailan sa social media dahil sa Facebook post ng isa niyang naging customer.
Photo credit to Cha Calubaquib and Andrew Lacuc Cucal

Nagsimula ang lahat ng umorder ang isang customer ng extra chicken para mismo sa delivery guy. Hindi naman akalain ng customer na single parent pala ang delivery guy kaya laking tuwa nito dahil nakatulong ito kahit sa simpleng paraan lamang.

Tapos biglang may message ako sa Inbox ko nagsend si Kuya A ng picture nilang mag-aama followed by his selfie! Kahit nakamask, kita mo yung saya,” sabi ng customer sa kanyang Facebook post.



Matapos mag-viral ang post ng netizen, dumagsa naman ang tulong sa single parent na delivery guy.

Sa isang exclusive interview ng KAMI kay Andrew Lacuc Cucal, sinabi nitong maraming blessings ang kanyang natanggap matapos mag-viral ang post ng isang customer.

Inilahad din nito kung paano niya at ng kanyang mga anak pinahalagahan ang pangyayari kung saan may isang taong tumulong sa kanila.


Dagdag nito, marami na umano ang kumokontak sa kanya at gustong magbigay ng donasyon.

Pag-uwi ko ng bandang 6, sabi ko, ‘Okay na mga anak. Meron na tayong ulam.’ Tapos, na-realize ko na paano ko kaya mapapasalamatan si ma’am. Sinearch ko po sa Facebook yung pangalan niya tapos nag-personal message ako sa kanya…” kwento niya.

Maraming nagme-message sa akin tungkol sa gusto nila kong tulungan, kung paano sila makakatulong sa akin… Hindi ko inaakala na ganon pala yung pakiramdam ng maraming gustong tumulong sa’yo... May nagme-message sa akin na, ‘Sir, baka pwedeng dumaan kayo sa bahay? May ibibigay akong grocery at konting cash,’” dagdag nito.
Photo credit to Andrew Lacuc Cucal
Photo credit to Andrew Lacuc Cucal
Photo credit to Andrew Lacuc Cucal
 Photo credit to Andrew Lacuc Cucal
 Photo credit to Andrew Lacuc Cucal
Photo credit to Andrew Lacuc Cucal

***
Source: KAMI