Isang mister, nagulantang sa inamin ng kanyang misis at kabit nito - The Daily Sentry


Isang mister, nagulantang sa inamin ng kanyang misis at kabit nito



Hindi naitago ng isang lalaking Overseas Filipino Worker (OFW) sa Riyadh, Saudi Arabia na si Nilo Barelos ang kanyang hinagpis matapos niyang ireklamo ang kanyang misis sa programang Raffy Tulfo in Action kamakailan lamang.



Bukod sa pag-amin ng kanyang misis na si Ivy Barelos na may relasyon siya sa ibang lalaki, hindi din matanggap ng OFW na nagtatrabaho bilang 'assistant cook' ang pag-iwan ng kanyang asawa sa kanilang mga anak habang siya ay malayo sa piling nila.

Larawan ni Ivy Barelos at Junjun (left) | Nilo Barelos, tunay na asawa (right) 

Kwento ni Nilo, hindi naman siya nagkulang sa kanyang pamilya. Sa katunayan, buwan-buwan daw siya nagpapadala ng halagang umaabot ng 25,000 pesos para panggastos nila.

Mangiyak-ngiyak din ikinuwento ni Nilo kay idol Raffy kung paano inabandona umano ng kanyang asawa ang kanilang mga anak para sa kabit nito na si Junjun Larosa.


Ayon sa kanya, iniwanan lamang ni Ivy ng 200 pesos ang kanilang mga anak nung umalis ito.

Credits: Raffy Tulfo in Action, Youtube


Sa kabilang banda, ikinuwento naman ni Junjun Larosa kung paano sila nagkaroon ng relasyon ni Ivy. Nagkakilala umano sila matapos magpunta ni Ivy sa kanila para i-rebond ang mga pinsan niya. Nagustuhan at napamahal din siya dito nang malaman na magaling ito magluto.


Dahil dito, hindi maitago ni Nilo ang kanyang hinanakit dahil sa nagawa ng kanyang asawa sa kanya at kanilang mga anak at desido na siyang sampahan ng kaso ang mga ito. Ngunit, imbes na humingi ng tawad sa kanyang asawa ang sinabi ni Ivy ay:

Ivy Barelos, credits to the owner

"Sige, kung yun ang ikasasaya niya."

Sa kasalukuyan, si Ivy ay dalawang buwang buntis kay Junjun.

Ipinangako naman ni Idol Raffy na kanyang tutulungan ang kawawang OFW na si Nilo lalo na't matibay ang ebidensya ng pangagaliwa ng kanyang asawa.

Idol Raffy Tulfo, photo from Google

Si Raffy Tulfo ay isa sa pinakakilalang mamamahayag sa Pilipinas at kinikilala ng marami dahil sa kanyang bukas na loob na pagtulong lalo na sa mga naaapi.


Narito ang buong video: 




Source: 1