Lolit Solis Dinepensahan ang 'DJ Loonyo' Episode ng Magpakailanman: "Bongga talaga ang show, very intriguing" - The Daily Sentry


Lolit Solis Dinepensahan ang 'DJ Loonyo' Episode ng Magpakailanman: "Bongga talaga ang show, very intriguing"



Lolit Solis | Jak Roberto as DJ Loonyo | Photo credit to the owner
Matapos na mailahad ang kwento ng buhay ng dancer at 'Tiktok Star' na si Rhemuel Suazo Lunio o mas kilalang si DJ Loonyo, sa programa ng GMA 7 na 'Magpakailanman, tila naging mas kontrobersyal ang sikat na personalidad ng lumabas diumano ang ex-girlfriend nito at sinabing walang katotohanan ang kwentong ibinahagi ng programa tungkol sa istorya nilang dalawa at ng pumanaw na anak.

Dahil dito kabi-kabila ang natanggap na panlalait at pangungutya kay Loonyo dulot sa ginawa diumano nitong pagpapabaya sa sariling anak. Madami din ang naglabas ng kani-kanilang kwento tungkol sa pagkakakilala nila sa sikat na mananayaw na si Loonyo at karamihan dito ay hindi pabor sa huli.


DJ Loonyo | Photo credit to the owner

DJ Loonyo with alleged ex-girlfriend | Photo credit to the owner
Ngunit sa kabila ng mga hindi pumanig kay Loonyo ay mayroon din namang mangilan na kumampi at nagtanggol sa kanya.

Isa na dito ay ang sikat na TV host at showbiz columnist na si Lolit Solis na nagpahayag na dapat maintindihan ng taong bayan na ang nasabing episode ng 'Magpakailanman' ay ang panig ng storya ni Loonyo at hindi ng sinuman.

Sa kanyang Instagram post, dinepensahan ni Solis ang 'Tiktok Star' at sinabing hindi lamang maganda ang ipinalabas na kwento nito kundi napakontrobersyal pa.


Magpakailanman DJ Loonyo story | Photo credit to the owner


Rhemuel Suazo Lunio or DJ Loonyo | Photo credit to the owner

Aniya, "Bongga naman ang Magpakailanman, Salve. Unang fresh episode nila, very controversial agad."

Narito ang buong post ni Solis:

"Bongga naman ang Magpakailanman Salve. Unang fresh episode nila, very controversial agad , iyon true story ni DJ Loonyo na siyempre sa kanya galing kaya tiyak ng staff ng Magpakailanman na credible, at siyempre sa kanya galing kaya iyon side niya ang isinadula.



Sa lahat naman , pag may story , iyon side mo , o iyon side ko ang makikita ng tao. Ang story teller si DJ Loonyo, so iyon side niya siyempre ang gagawin ng Magpakailanman di ba? Kung paano niya sinabi iyon istorya niya , iyon ang gagawin ng production. 

Kung iyon isang side meron reklamo, that will be between DJ Loonyo and iyon babae na may complaint sa kanya. 

Basta ang Magpakailanman stick sila sa side ng nagbigay sa kanila ng story, and to be fair, pinandinigan ni DJ Loonyo na tama iyon version ng istorya niya. Ang ganda pa naman ng acting ni Jak Roberto , very convincing as DJ Loonyo. 

Bongga talaga ang show ni Mel Tiangco, dami nanuod kaya siguro very intriguing. Congrats. #classiclolita #takeitperminutemeganun #73naako"

Screenshot of  Lolit Solis' post | Credit to her Instagram account
Naging viral si Rhemuel Lunio o DJ Loonyo dahil sa kanyang dance tutorials na ipino-post niya sa Facebook, Instagram, at Tiktok.

Ipinalabas ang kanyang life story sa Magpakailanman noong July 18 na may pamagat na “Dance King ng Quarantine: The DJ Loonyo Story” kung saan gumanap si Jak Roberto bilang si DJ Loonyo.



Source: Instagram / akosilolitsolis