Mga babaeng hindi nabigo kaka-‘sana all’, trending sa social media - The Daily Sentry


Mga babaeng hindi nabigo kaka-‘sana all’, trending sa social media




MAPAPA-SANA ALL KA NA LANG TALAGA! 

Narinig mo na ba ang pinakabagong trend ngayon? Iba't ibang istorya at viraI posts ang makikita at mababasa sa social media patungkol sa mga taong napatunayan na totoo nga ang SANA ALL.

Sino nga ba naman ang mag-aakala na ang pagpopost ng 'sana all' ay magandang idudulot lalo na kung may biglang kumatok sa pintuan ng bahay niyo at may dumating na delivery galing sa asawa/boyfriend/admirer mo na hindi mo inaasahan.


Gaya na lamang ng pangyayari na ibihinagi ni netizen Via Melhanie Ramirez na usap-usapan ngayon sa social media.

"Ewan ko kung trip pa to ah! Pero salamat. Kung sinuman po nagbigay. Nagulat ako. Naglalaba ako e! Legit pala yung magsaSANA ALL e!," kwento ni Via.

Narito ang buong post: 





4 missed calls.

Ako: (sinagot) hello po? Wala naman po akong inoorder. Baka prank to ah.
Siya: Hindi po maam. Saan po kayo kasi may sundae po baka matunaw.
Ako: Halaaaaa! Natatawa ako kuyaaaaa. Hahahaha.
Siya: Baka po nagsasana all ka po.

Ako: HAHAHAHAHAHA.



"Ewan ko kung trip pa to ah! Pero salamat. Kung sinuman po nagbigay. Nagulat ako. Naglalaba ako e! Legit pala yung magsaSANA ALL e! Pero umamin na po yung nagbigay, so I can thank you personally po. Oraaaayt! Sa mga nagsasabing scam to kasi ako lang daw nagpadeliver, ediwow. Sa Lazada lang ako gagastos 'no!" 



Sa isa pang nakahiwalay na trending post, hindi din napigilan ibahagi ni netizen Jennie Mhar Serrana ang hindi inaasahang karanasan patungkol dito.

"GUYS! GUMAGANA YUNG SANA ALL! HAHAHAHAHAHA!

So i shared this "Sana Ol" post yesterday. I didnt expect na may magbibigay.


Nagtataka ako kasi tinatawag ako sabi may Delivery daw. Sabi ko kaka place ko pa lang ng order ko sa Shopee. Bilis naman wala pang 1 hour. Di ko parin kilala nagbigay. Kindly PM me na lang huhu. 

Sorry ang haggard ko di pa ko naliligo HAHAHA! Nagbabasa kasi ako nung bigla ako tinawag.
Kung sino ka man, Thank You so much!"






"Kaya ano pang hinihintay niyo, magsana all na tayooo! Walang sukuan may magdideliver din sa inyo.."




Source: 1, 2