“Musta, miss na kita. Pautang” Netizen, nagalit matapos di mapautang ng kanyang kaibigan - The Daily Sentry


“Musta, miss na kita. Pautang” Netizen, nagalit matapos di mapautang ng kanyang kaibigan



Larawan mula sa Pinoy Yan
Hindi nga naman kaaya-aya ang mga taong madalas manghiram ng pera lalo na kung sila pa ang tila kinakawawa kapag hindi sila napagbigyan sa kanilang kagustuhang makautang ng pera.

Marami ang ganitong klase ng tao sa paligid kung kaya naman dapat ay mag-ingat at matutong dumistansya upang hindi maabuso ng mga ganitong klaseng tao.

Kung kaya naman viral sa social media ang kwento ng dalawang dating magkaibigan na nagkaroon ng alitan dahil sa hindi napagbigyan sa inuutang na pera.

Ibinahagi ng isang netizen na si Anna May sa kanyang Facebook account ang kanyang naging karanasan tungkol sa itinuturing niyang kaibigan na si Fehm Garcia matapos niyang hindi mapahiram ng pera ay tila siya pa ang ginawang masama nito.

Dahil may binubuhay na pamilya si Anna ay tinanggihan nito ang hinihiram na P6,000 ng kaibigan at sinabing P1,000 lamang ang kanyang kayang ipahirap ngunit wala pa rin tigil sa pamimilit ang kaibigan at sinabi pang kayang-kaya naman niya itong ipahiram dahil mayaman naman siya.

Dahil hindi napagbigyan ni Anna ang kahilingan ng kaibigan na makautang sa kanya ng 6,000 ay nakatanggap pa ito ng mga hindi kaaya-ayang salita.

Matapos ang kanilang usapan ay agad namang nagpost ang kaibigan ni Anna sa kanyang Facebook account na tila siya pa ang inagrabyado.

"Mag-iingat sa taong ito ang pangalan niya ay Anna May. May masama ugali, mayabang.. Walang kwentang kaibigan ang taong ito mag iingat kayo. Pm me kung gusto niyong malaman kung bakit." ayon sa caption ng post ni Fehm.

Dahil dito ay ipinost ni Anna sa kanyang Facebook account ang kanilang totoong pinagusapan ng kanyang dating kaibigan.
Larawan mula sa Pinoy Yan
Larawan mula sa Pinoy Yan
Larawan mula sa Pinoy Yan
Larawan mula sa Pinoy Yan
Larawan mula sa Pinoy Yan
****

Source: Pinoy Yan