Pambababae ni Mister inireklamo; Kabit matapang pa kay Misis: Kung ayaw niya talaga sayo wala na akong magagawa dun - The Daily Sentry


Pambababae ni Mister inireklamo; Kabit matapang pa kay Misis: Kung ayaw niya talaga sayo wala na akong magagawa dun



Sarah Ramos | Mona Pilapil | Benjie Pilapil

Ang pagpapa-kasal ay ang pag-iisang dibdib ng mga mag-asawa na siyang bunga ng kanilang pagmamahalan at pag-iibigan. Buong puso rin itong pinanunumpaan sa harap ng altar at sa batas. Dito sabay na pinapangarap at tuluyang binubuo ang isang masayang pamilya na sama-sama sa hirap man o sa ginhawa.

Ngunit tila kabaligtaran ang naranasan ng isang Misis na isang linggo pa lamang silang kasal ni Mister ay nasira agad kanilang pagsasama dahil umano sa pambababae.


Inireklamo ni Mona Pilapil kay Idol Raffy Tulfo sa programa nitong Raffy Tulfo in Action ang kanyang asawa na si Benjie Pilapil dahil umano sa pangangaliwa nito isang linggo palang ang nakalipas mula ng sila'y ikinasal at ipinagpalit na agad siya sa katrabaho nitong si Sarah Ramos.


Larawan mula sa Raffy Tulfo in Action


"Nung sinet po namin lahat yung regarding sa wedding namin, okay naman kami. Tapos nung after 1-week lang po, nung biglang ng lockdown, yun po nag start na po, nakikitaan ko na po sila ng video call ng ka-workmate niyang babae," paliwanag ni Mona.

"Kinompronta ko na po yung babae kung anong meron sa kanila ng asawa ko, ang sabi niya po, katrabaho niya lang daw po, di daw niya trip yung asawa ko.

"Hanggang sa kinaibigan ako ng babae, nag-aadvise pa po siya sakin regarding sa relasyon namin. Kasi po yung babae po sir, may dalawang anak po, hiwalay sa asawa niya." dagdag niya.

Kwento ni Mona, na nagsimula lang umano ang lahat nang magpaalam si Benjie sa kanya na mag-sleep-over sa kanyang mga kaibigan.


Paliwanag naman ni Benjie sa ibinintang laban sa kanya, na kailangan lang sa trabaho kaya nagpaalam ito na mag stay-in sa trabaho. Ngunit ang nag-offer  ng accommodation sa kanila ay ang dati niyang ka 'mutual understanding' na si Sarah, ang itinuturo ni Mona na ibang babae ni Benjie.

Larawan mula sa Raffy Tulfo in Action

Itinanggi naman agad ni Sarah nang tanungin siya kung may relasyon sila ni Benjie pero aminadong may mutual understanding sila nito at nakahingi na siya ng kapatawaran kay Mona.

"Ang problema nalang po is yung hindi ko na sakop kung nilayasan siya ng asawa niya or kung ano pa mang meron sa kanila. Kung ginigipit niya ako sa sitwasyon na ganyan, problema niya na yang asawa niya kung hindi niya makontrol," matapang na sagot ni Sarah kay Mona.

"Actually sir, nanggagalaiti siya kasi yung asawa niya umalis sa side niya, umalis sa bahay nila. Pinipilit niyang may relasyon kami, which is wala naman po. Kahit pa sinong makarelasyon ng asawa mo, di ko na sakop yan. Kung ayaw niya talaga sayo wala na akong magagawa dun,"

Pagsiwalat ni Mona na nahuli nadin niya si Benjie doon mismo sa bahay nila Sarah, at hindi naman nila ito ipinagbigay alam sa kanya kahit pa na alam na nilang may isyu na tungkol sa kanilang dalawa.


Sinasabihan pa umano siya ni Sarah sa chat na "kawawa ka naman nangililimos ng ka ng pagmamahal sa asawa mo. Dahil sa ginawa mo, sa tingin mo babalikan ka pa ng asawa mo?,"

At hindi na makapagpigil pa si Mona sa kanyang damdamin at saloobin.

"Alam mo may asawa si Benjie, alam mo na kakakasal lng namin. Una pa lang pinasabihan na kita Sarah, layuan mo si Benjie, tantanan mo si Benjie, pero hindi ka tumitigil,"


***

Source:  Raffy Tulfo in Action YT

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!