Bagong istilo ng mga kawatan para makasalisi sa mga motorista, viral sa social media - The Daily Sentry


Bagong istilo ng mga kawatan para makasalisi sa mga motorista, viral sa social media




Isiniwalat ng isang motorista ang bagong modus ng mga kawatan sa panahon ngayon na marami ang may matinding pangangailangan.

Nang dahil sa kasalukuyang krisis, nagkalat muli ang mga masasamang loob na desperadong makaisa sa kapwa dahil sa kawalan ng mapagkakakitaan. Isang halimbawa na dito ang nangyari sa netizen na si Wenchi Dela Cruz habang sya ay nasa sasakyan.


Pagbabahagi nya sa tinawag nyang 'budol budol laglag barya', ang intensyon umano ng mga taong mambibiktima ay mapababa sa kotse ang mismong driver nang sa ganun ay masalisihan nila ito at maisagawa ang kanilang maitim na balak.

Sa kabutihang palad, hindi bumaba si Dela Cruz sa kanyang kotse para silipin ang mga barya na sinadyang ilagay ng mga mananalisi sa likod ng kanyang sasakyan.

Narito ang kanyang babala:

BEWARE!!! SHARE NIYO! Para mahuli po sila at wala na mabiktimang iba.

PLATE NUMBER MITSUBISHI MIRRAGE NN5057. Budol budol laglag barya! 3 babae naka mask with shades and Nakapayong para takpan ang CCTV yan ang kanilang diskarte. Sinisilip nila ko sa bintana tapos tinitingnan mga gamit sa loob and then patingin tingin sa iba kung may tao bang nakakakita sa ginagawa nila. May hawak silang CP na kunyare may kinausap tapos ayun tatakpan nila yung likod ng sasakyan ko tapos lalagyan nila ng barya. So eto na may lumapit saken lalaki naka mask at naka shades nasa driver seat ako, so may tinuturo siya na parang may ano daw sa likod ng bumper ng sasakyan gusto niya gawin pababain ako pero hindi ng yare yun kase alam ko na na budol budol sila pinalibutan ako 3 babae at dalawang lalake then kasama nila yung driver hinintuan ako nila mismo sa harapan ng sasakyan ko. So ang nang yare nung pinababa ako para tignan ko daw yung likod ng sasakyan ko ang ginawa ko umandar ako ng mabilis konti then sabi nung lalaki pag ka hinto ko balik daw ako. So ayun mission failed sila umalis na agad yung lalaki at sumakay na sasakyan. So ayun umikot ulit sila napansin ko na sila yun. Ayun nag hahanap ng ma bibiktimang iba.Sinundan ko sila hangang may mahanap sila na mabibiktima kaso naka pansin yung babae na alam ko na yung ginagawa nilang pag bubudol. At pansin nyo rin sa video na masama tingin ng babae sakin at nagmadali sumakay sa sasakyan.

NOTE INGAT KAYO LALO NA PAG KAYO
LANG MAG ISA NA NAKA PARK SA DAANAN. SISILIP SILA KUNG MAY BAG AT TAO.

Lalo na ngayon pandemic dyan sila nagsisilabas dahil wala ng ibang mapagkakitaan.

Kanina lang nang yare saken 3:20 pm

#NBI
#CIDG
#LTO
#Raffytulfo





Source: Wenchi Dela Cruz