Panganay na babae, nabuntis ng bunsong kapatid - The Daily Sentry


Panganay na babae, nabuntis ng bunsong kapatid



Credits: Raffy Tulfo In Action Youtube

Isang maselan at hindi pangakaraniwang reklamo ang natanggap ni Raffy Tulfo nitong nakaraang araw nang magsumbong at humingi ng tulong ang isang ina matapos mahuli ang dalawa nitong anak na nagtatalik sa kanilang tahanan.



Hindi naitago ang paghihinagpis ng ina, na isang dating Overseas Filipino Worker (OFW), dahil siya mismo ang nakasaksi sa ginawa ng kanyang dalawang anak.


Batay sa kanyang kwento, lumaking magkahiwalay ang mga bata simula noong namatay ang ama ng mga ito taong 2005. Labinlimang (15) taon din niya silang hindi nakasama dahil siya ay nakipagsapalaran sa ibang bansa at nagkita lamang ang dalawang bata noong December 2019.

Ayon sa panganay na babae, hindi lamang isang beses nangyari ito, ngunit ito'y naulit pa at naging dahilan ng kanyang pagdadalang-tao. Sa kasalukuyan, ang panganay na anak ay may edad na 19 at 18 years old naman ang bunsong lalaki. Inamin naman ng mga bata ang kanilang pagkakamali at ayon sa kanila, hindi daw nila sinasadya ang nangyari.

Upang maprotektahan ang mga bata at ang ina ng mga ito, hindi pinangalanan at itinago ang mukha at pagkakakilanlan nila.


Ipinangako naman ni Idol Raffy na tutulungan ang ina at ang mga bata at aakuin niya ang bayarin upang makapagpatingin ang mga ito sa isang Psychologist at mabigyan ng counseling at maiwasan pa na lumala ang sitwasyon.

Narito ang ilang reaksyon ng netizens: 






Panoorin ang video:




Source: 1