NAKAKAKILABOT: Lloyd Cadena, nagpahiwatig sa matalik na kaibigan bago pumanaw? - The Daily Sentry


NAKAKAKILABOT: Lloyd Cadena, nagpahiwatig sa matalik na kaibigan bago pumanaw?




Talaga namang nalungkot ang buong online community nitong naaraan dahil sa pagpanaw ng sikat na vlogger at influencer na si Lloyd Cadena.


Sa ngayon hindi pa malinaw ang dahilan ng pagpanaw ng nasabing Youtuber. 



Sa isang Facebook post na ibinahagi ng matalik na kaibigan ni Lloyd na si Kimpoy Feliciano, isiniwalat nito ang naging pag-uusap nila sa chat.


Kimpoy Feliciano, matalik na kaibigan ni Lloyd Cadena
Kimpoy Feliciano, matalik na kaibigan ni Lloyd Cadena


Napag-alaman na gustong maging Dentist si Lloyd Cadena. "Lloyd wanted to be a dentist after ECQ 💔 Ako naman, sabi ko sa kanya isasakay ko siya kapag naging piloto ako', ayon sa post ni Kimpoy.


Sa kanilang pag-uusap, tila may mga pahiwatig ang mga sinasabi ni Lloyd kay Kimpoy. "Habang may panahon pa. Maiksi lang ang buhay," ayon sa mga chat ni Lloyd kay Kimpoy.



"Dapat gawin natin lahat ng gusto natin. Search for your purpose. Kaya kapag mabuhay pa ako after this corona, magdedentistry ako," saad sas chat ni Lloyd kay Kimpoy.


Narito ang buong convo nila sa Instagram:





MUST READ: Totoong dahilan ng pagkawala ni Lloyd Cadena, inilahad ng kanyang pamilya