Batang Vlogger, Viral Matapos Icelebrate ang Pagkakaroon nito ng 2 Subscribers sa YouTube - The Daily Sentry


Batang Vlogger, Viral Matapos Icelebrate ang Pagkakaroon nito ng 2 Subscribers sa YouTube



Photo credit to Mary Grace Escober's Facebook account

Sabi nga nila, "Celebrate your wins, no matter how big or small." Ito ang ginawa ng isang aspiring na batang vlogger mula Negros Occidental, kung saan kanyang ipinagdiwang ang pagkakaroon ng dalawang subscribers sa YouTube, kahapon, October 12, 2020 bandang alas-dos ng hapon.

“Happy 2 subscribers. Subscribe to my channel (bit.ly/3nKgRXR),” ang sabi ng batang vlogger na si Mary Grace Escober sa kanyang Facebook post.



Photo credit to Mary Grace Escober's Facebook account

Kasama sa kanyang pagdiriwang ay ang simpleng handa na inihain niya sa kanyang hapag kainan, kabilang ang Mc Donald's Chicken fillet and french fries, Coke at Cupcakes na may icing caption na '2 sub" at posporo na nagsilbing kandila nito.

Ang nasabing post na ito ng batang si Mary Grace ay sadyang nag-trending sa social media na ngayon ay umaani na ng mahigit 200,000 reactions sa FB. Kasabay nito, dumami na rin ang nag-subscribe sa kanyang YouTube channel na umaabot na sa mahigit 100,000.

Photo credit to Mary Grace Escober's Facebook account


Photo credit to Mary Grace Escober's Facebook account

Pati ang aktres na si Kiray Celis ay napansin diumano ang post ni Mary Grace at hinikayat ang kanyang mga followers na mag-subscribe sa batang vlogger.

“Hindi ko siya kilala. Pero suportahan natin yung pangarap ng batang ‘to. Malayo mararating mo baby girl basta maging humble ka lang palagi at magpapakabait sa magulang mo. Subscribe tayo sa kaya!”
post ng actress na si Celis sa kanyang Facebook account.



Photo credit to Mary Grace Escober's Facebook account

Sobrang nagulat at natuwa ang batang si Mary Grace matapos diumano niyang makita ang biglang pagdami ng kanyang subscribers at sa dami ng reactions at comments na natanggap niya sa naturang Facebook post.

Nagpasalamat din sya sa Panginoon, sa kanyang mga subscribers at sa tinamong suporta mula sa mga netizens.

“Thank you so much 100k subscribers!!! Sobrang happy po namin ng family ko ngayon hindi namin ito inaasahan. Maraming salamat po talaga sa lahat ng sumusuporta sa akin. God bless us all! ” sambit ng batang vlogger.



Photo credit to Mary Grace Escober's Facebook account


Photo credit to Mary Grace Escober's Facebook account