Lalaking itinali na parang aso, hila-hila ng isang babae sa supermarket - The Daily Sentry


Lalaking itinali na parang aso, hila-hila ng isang babae sa supermarket




Mistulang isang pet, nagulantang ang marami sa hindi pangkaraniwang tagpo na nasaksihan nila sa isang supermarket nang pumasok doon ang babae na may hila-hilang lalake at animo'y isang aso.



Hindi makapaniwala ang mga mamimili sa kanilang nakita matapos matunghayan ang isang eksena na kahit sa pelikula ay hindi pa nila napapanuod.


Sa agaw-eksenang larawan na viral ngayon sa social media, makikita ang nakatali na lalake na gumagapang sa sahig at hinahayaan ang sarili na hilahin ng isang babae habang naglalakad ito.


Ayon sa isang ulat, walang nagtangkang pumuna sa dalawa o magtanong kung bakit nila ginawa iyon. Kapansin-pansin din sa naturang picture na tila walang pakialam ang mga tao sa paligid kung kaya hinayaan lang silang gawin ang kakaibang bagay.



Marami ang napaisip kung anong nais mangyari ng dalawa. 


Sa unang tingin, aakalaing gimmick lang ang kanilang ginawa. Ngunit nang kumalat ang partikular na larawan, natukoy ang 21-anyos na babae bilang si 'Mistress Lark' na kilala sa lugar nila bilang isang d0minatrix. At ang lalaking hila nya ay ang kanyang kliyente.


Nang tanungin ng reporters kung anong ginawa nila sa grocery store, aniya gusto lang nya bumili ng juice.


“I was out with my sub and my friends shooting some videos and just doing shopping. We stopped in Erewhon. Lots of cameras and attention, but the security let us through valet and let us check out our pricey basket before finally asking us to leave.” paliwanag nya.


Dagdag pa nya, hindi pa nya napalo o napakain sa dog bowl ang nasabing kliyente.


“Didn’t have a dog bowl yet. We bought one after. I did paddle him. No more than twice though. He tried to touch my leg too high up my thigh and I didn’t like it. There weren’t any children nearby or anything.” saad ng babae.