11.11 Big Christmas Sale, Ginamit na Revenge ng Girlfriend sa Boyfriend after LQ! - The Daily Sentry


11.11 Big Christmas Sale, Ginamit na Revenge ng Girlfriend sa Boyfriend after LQ!



Photo credit to Jessie Abalos Cagurangan Facebook account

Sadya nga namang napakalakas ng dating ng nakaraang 11.11 Big Christmas Sale online at napakaraming Filipino sa ibat-ibang bahagi ng bansa ang nag-abang at nahumaling dito. Karamihan ay namili para sa maagang pamasko at pangregalo.

Ngunit paano naman kung ginamit ang nagdaang 11.11 sale, sa panghiganti sa mga nakagalit at naka-away mo. O di ba? kakaibang revenge nga naman ito.



Photo credit to the owner

Photo credit to the owner

Tulad na lamang ng nangyari sa isang netizen na si Jessie Abalos Cagurangan, na diumano ay nakatampuhan ang kanyang girlfriend, at bilang ganti ng huli, ay nagorder online at pinadeliver at ipinabayad sa kanya ang lahat ng ito.

Kwento ni Cagurangan, nag-away sila ng girlfriend na si Jenny Mae Manaois Garcia dahil nagalit ito sa kanyang pag-inom ng alak kasama ang mga kaibigan. Naayos naman nila ang tampuhan at nagkabati din.



Photo credit to Jessie Abalos Cagurangan Facebook account


Photo credit to Jessie Abalos Cagurangan Facebook account

Ngunit ilang araw matapos ang naganap na pag-aayos nila ay sadyang ikinagulat niya ang paraan ng paghihiganti ng girlfriend. Ngunit imbes na magalit ay natawa na lamang sya dito. 

Paano naghiganti ang girlfriend? Basahin sa ibaba! 

"GIRLFRIEND’S REVENGE!

This weekend nagaaway kami kasi naginom ako hanggang madaling araw ng November 7, 2020. AYUN AWAY NA NAMAN.

Then suddenly, naging okay kami nung Sunday, November 8, 2020.


Then, umagang umaga ng Monday, November 9, 2020, biglang tinawag ako ng Guard may parcel daw ako sa baba. Napaisip ako kasi “WALA NAMAN AKONG INORDER”. Then malaman laman kong ‘tong magaling kong Girlfriend pala ang nagorder at ang nakakabilib dun, sa’kin ang address!  So, sabi ko sa sarili ko, okay lang at isa lang naman e. As usual, babayaran ko.

Then Tuesday, November 10, 2020, nasa Maddela Branch ako, biglang tumawag tong officemate ko, may Parcel daw ako. HOLY COW! Wala akong matandaang inorder ko. Tapos tinanong ko tong Girlfriend ko, sakanya pala. And yet, sa’kin parin naka-address. Syempre pinabayaran ko na naman.

This day, November 11, 2020, nasa Kayapa Branch ako, biglang tumawag na naman tong officemate ko, ayun may Parcel daw ako. Biruin mo yun, hindi lang isa yung dumating na parcel, kundi dalawa! Walangya. As usual pinabayaran ko na naman.

SO NGAYON, NAPAGTANTO KO NA HINDI NAKO MAKIKIPAGAWAY SAKANYA. MAHIRAP PALA YUNG GANTI. HAHAHAHA

REVENGE IS REAL. WALA E, LOVE MO E!"


Photo credit to Jessie Abalos Cagurangan Facebook account