DepEd Secretary, Leonor Briones | Damaged learning modules | Photo credit to the owner |
Dahil sa sunod-sunod na pananalasa ng bagyo sa bansa, partikular sa Luzon, malaki din ang kinakaharap na problema ngayon ng edukasyon na kasalukuyang nasa ilalim ng 'distance learning'.
Bukod sa mahinang internet koneksyon o tuluyang pagkawala ng internet at kuryente sa mga apektadong lugar, isa pang problema ay ang mga nabasa at na-bahang 'learning modules' ng mga estudyante.
DepEd's Learning Modules | Photo credit to the owner |
Dahil dyan, marami sa mga estudyante at guro ang nangangamba kung paano ang gagawin sa mga basang modules at kung paano ipagpapatuloy ang pagsunod at pagpasa sa hinihinging requirements ng kanilang paaralan.
Damaged learning modules | Photo credit to the owner |
Sa kabila ng mga suliranin na yan, hinikayat diumano ni Department of Education Secretary Leonor Briones ang mga pamunuan ng mga paaralang nasalanta ng bagyo na magkusa na sa paghahanap ng solusyon sa mga hamong hinaharap ng 'new normal education', tulad ng problemang dulot ng basa at binahang modules, sa halip na mag-hintay pa ng utos mula sa kanilang opisina, DepEd.
"Ine-encourage natin ang intiaitive ng mga schools para sila ang maghanap, sila mag-develop sila ng solusyon sa mga challenges," sabi ni Briones sa isang press briefing.
Payo niya na 'Ibilad, Plantsahin' ang mga learning modules na ito.
"Siguro hindi naman susulat ang superintendent na, ‘Basa ang module namin.’ Maghanap sila ng paraan. Siguro ibilidad nila, ‘yong iba pinaplantsa,", dagdag niya.
DepEd Secretary, Leonor Briones | Photo credit to the owner |
Ayon naman kay DepEd Undersecretary Diosdado San Antonio, may mga “buffer” module o pwedeng namang ipalit na materials na maaaring ipagamit sa mga mag-aaral sa mga lugar na nasalanta ng bagyo.
"Bibigyan sila ng pagkakataon na matuto rin gamit iyong mga self-learning resources na ginamit ng mga kamag-aral nila, na tuloy-tuloy ‘yong pag-aaral,", pahayag ni San Antonio.
Kamakailan ay nagpahayag diumano ng pagkabahala ang non-government organization na Educo Philippines sa epekto ng mga bagyong dumaan sa bansa sa mga mag-aaral, lalo na sa Bicol region na matinding nasalanta ng bagyong Rolly at ngayon nga ay ang Metro Manila na napinsala ng kakatapos lang na bagyong Ulysses.
Source: ABS-CBN, DEPEDTAMBAYAN