Halos hindi nya kinaya! Moira, may matinding payo sa netizen na nagbahagi ng malupit na karanasan - The Daily Sentry


Halos hindi nya kinaya! Moira, may matinding payo sa netizen na nagbahagi ng malupit na karanasan




Kasunod ng pagsikat ng bagong kanta ng singer na si Moira Dela Torre, ay ang kabi-kabilang kwento na ibinabahagi sa social media ng mga netizen na nakaka-relate sa hit song nya na 'Paubaya'.


Pero sa gitna ng hindi mabilang na storya na kumakalat ngayon online kaugnay ng mga karanasan ng ilan na sumasalamin sa nasabing kanta, isang netizen ang labis na pumukaw sa atensyon ng sikat na singer.



Dahil dito, naglabas ng open letter sa kanyang Facebook page ang singer para kay Ameerah—ang babaeng may kwento na lubhang umantig sa puso ni Moira. 


Paglalahad ng netizen, ang kanyang kwento ng pagpapaubaya ay nangyari sa pagitan ng sarili nyang nakababatang kapatid na babae at kanya mismong ex-fiancé o nobyo na nakatakda sanang ikasal sa kanya matapos ma-engage dito mula pa noong 2017.


Ayon pa kay Ameerah, nakuha raw nyang magparaya o magpaubaya sa kanyang nakababatang kapatid nang mabuntis ito ng kanyang ex-fiancĂ© na kinalaunan ay kinasal din sa naturang lalaki.


Narito ang open letter ni Moira:


Dearest Ameerah, 


     Hindi ko maimagine kung paano mo dinadala lahat ng to. Ang strong mo. Pero alam ko, di mo ginustong magka rason para maging strong... alam kong ang gusto mo sana makuha mo yung hinintay mo.


     Hindi ko rin alam kung anong purpose ni Lord kung bakit ka napunta ka sa posisyon na yan. Pero may mga gusto akong sabihin sa'yo. 


     Una, hindi ka mali nung humindi ka sa pagtira nila sa isang bubong. At kailangan malaman to ng marami... boundaries are important. Marami akong kilalang mabait, mahal si Lord, maayos sa buhay pero naging unfaithful dahil hindi nirespeto yung boundaries ng partner nila. Hindi mo pagkakamali yon... 


     Pangalawa, just because your past was broken doesn't mean your future will be. Your future is full of HOPE


    At pangatlo, sabi nila negative daw yung pagpapaubaya. Pero ang ibig sabihin ng Paubaya is letting go of what's good so that you can get what is best. And what is best for you is a love that you won't have to doubt. A love you won't have to walk on eggshells with. And a love that you can look in the eye and say, "Ito yung sagot sa mga panalangin ko." Ameerah, you deserve to be loved faithfully. 


    So take all the time you need to heal. You are stronger and braver than you think. ♥️


Love, 


Moira


screenshot credit to: belle guevarra


Narito ang kwento ng netizen: