Hindi magandang mga pangitain bago matapos ang taong 2020, nakikita ng mga psychic - The Daily Sentry


Hindi magandang mga pangitain bago matapos ang taong 2020, nakikita ng mga psychic



Madami na ang hindi magagandang nangyari sa ating bansa at maging sa buong mundo ngayong taon ng 2020. Maraming kalamidad at pagsubok na ang ating kinaharap at nalagpasan, ngunit mayroon pa raw tayong mararananasang hindi maganda bago matapos ang taon ayon sa mga psychic.
Jay Costura and Mamu / Photo credit to the owner

Sa programang “Kapuso mo Jessica Soho” ay inilahad ng mga sikat na psychic ang kanilang pangitaing nakikita sa natitirang buwan ng 2020 at sa darating na 2021.

Kinilala ang dalawang psychic na sina Hayi ‘Mamu’ Cruz at Jay Costura.

Ayon kay Mamu, sa kabila ng mga kalamidad na ating nasaranan ngayong taon, mayroon pa raw siyang nakikitang haharapin ng Pilipinas kaya kailangan nating mag-ingat at mag handa.

Ang tinutukoy ni Mamu na trahedya ay ang pagsabog raw ng bulkang Taal ngayon darating ng Disyembre. Saad ni Mamu, wala siyang intensyon na manakot sa kapwa Pilipino, ngunit ito raw ang kanyang nakikita at mas malakas pa raw ang magiging pagsabog ng bulkan kumpara sa nangyari noong Enero.
Mamu / Photo credit: GMA Network

Mamu / Photo credit: GMA Network

Nakita ko ‘to before mag-November kaya lang hindi ko siya ini-post kasi ayoko ring magkaroon ng takσt ang mga tao. Namamaga ‘yung ilalim niya. Bubuka lahat at du’n maglalabas ng putik. Sasabog siya bago siya matulog ulit nang mahimbing…sabi ni Mamu.”

Yung tungkol sa pagsabog uli ng Mt. Taal, mas malala siya kaysa nu’ng nakaraang January. Ang pagsabσg niya sa kadiliman posibleng sa una o ikalawang linggo ng December,” dagdag pa nito.

Samantala, ang pagsabog ng bulkan ay isa lamang sa mga ating mararanasanan. Bukod rito ay mayroon din malalakas na paglindol, isang magaganap na digmaan at malaking pagbaha.

Ayon naman kay Costura, mayroon raw paliwanag ang mga nangyayaring ito ngayong 2020. May kinalaman raw ang mga numero ng taon.

Pag nagkakaroon ako ng warning sign regarding sa mga kalamidad, parang nandoon ako sa eksena. Marami kasing hindi nakakapansin, ang 2020 is kambal na numero. Magkaiba ang ugali. Delikado talaga siya… At kung mapapansin n’yo, zero, madami ang nawalan ng kabuhayan, businєssєs nagsaradσ, mαdαmi ang naωαℓan ng buhαy,” sabi ni Costura.
Jay Costura / Photo credit to the owner
Jay Costura / Photo credit: GMA Network

Heto naman ang kanyang naging pangitain na mangyayari pa rin ngayσng 2020.

May ipinakita sa akin na isang babala. Isang bolang nag-aapoy, babagsak. Hindi siya direktang tatama.

Sa kabila ng masasamang pangitain ng mga psychic, nakakita rin umano sila ng magagandang mangyayari sa darating na 2021.

Una na raw rito ay ang gamot o vaccine para sa CoVîd-19. Sisigla narin daw ang ekonomiya ng Pilipinas.

Malaki ang posibilidad na tayo ay ααngαt dahil ang 2021 ay bagong panimula. May number one siya sa dulo,” sabi ni Costura.

Bagama’t mga sikat na psychic sina Mamu at Costura ay wala pa rin ang makakapagsabi ng mga totoong mangyayari sa mga darating na araw o buwan. Ang tanging magagawa lamang natin ay ang magdasal at maghanda sa ano mang maaring mangyari.


***
Source: LightFeed