Lalaki sa viral na "kabit post", nagsalita na - The Daily Sentry


Lalaki sa viral na "kabit post", nagsalita na



Nag-viral kamakailan sa social media ang post ng isang netizen matapos niyang i-upload ang mga larawan ng kanyang asawa at kabit nito na tila may ginagawang kalokohan sa loob pa mismo ng kanilang bahay.
Photo credit from Facebook

Sa Facebook post ni Chin-chin Madriaga, ibinahagi rin nito ang mga messages ni Chrismelyn Rivera, ang kabit ng kanyang asawa, na nagmamakaawang burahin ang mga in-upload niyang larawan dahil magagalit umano ang kanyang ama.



Samantala, nagsalita na rin ang asawa ni Chin chin na si Ian Reister Arnidoval upang ipaliwanag ang kanyang panig.

Sa kanyang Facebook post, humingi ng paumanhin si Reister sa kanyang pamilya at sa pamilya ng kanyang asawa. 

Humingi rin si Reister ng paumanhin kay Chin chin at sinabing nakapag-usap na raw silang mag-asawa at handa siyang gawin ang lahat matanggap lamang siyang muli nito.
Chin chin Madriaga / Photo credit from Facebook


Aniya, gusto lamang niyang humingi ng patawad at mabigyan ng isa pang pagkakataon upang makapag-bagong buhay at makasamang muli ang kanyang asawa.

Dagdag pa niya, inaamin niya ang kanyang pagkakamali at handa umano siyang maghintay hanggang sa mapatawad siya ni Chin chin.

Mahal na mahal kita at pangako hinding hindi na kita sαsαktαn ulit,” sabi ni Reister.
Photo credit from Facebook
Photo credit from Facebook

Narito ang kanyang buong post:

“Sa lahat ng nakakita ng picture, inaamin ko po ako yun at humihingi po ako ng pasenya sa pamilya ko at pamilya ng asawa ko, at lahat ng nαѕαktαn dahil don. Higit sa lahat humihingi ako ng malaking patawad sa asawa ko, kay Chin Chin Madriaga.

Nag-usap na kami at handa ako sa kahit na anong kapalit matanggap nya lang ako ulit. Hindi ko na ieexplain pa ang lahat. Ang gusto ko lang ay humingi ng patawad at chance na makapagbagong buhay at makapgsimula muli kasama ang aking asawa. 
Chin chin Madriaga / Photo credit from Facebook

Maraming salamat sa lahat ng nakakaintindi at hindi nakakaintindi. Tao lang po ako, nagkakamali at handang magbago habang buhay para sa ikabubuti ko at sa ng relasyon namin ng asawa ko. 

Sa asawa ko Chin Chin Madriaga handa akong maghintay sa kapatawaran mo. Nagkamali ako inaamin ko. Mahal na mahal kita at pangako hinding hindi na kita sasaktan ulit.”



***
Source: Lightfeed