Sanggol na inilagay sa batya para mailigtas sa baha, umantig sa netizens - The Daily Sentry


Sanggol na inilagay sa batya para mailigtas sa baha, umantig sa netizens




Binalot ng lungkot ang malaking bahagi ng bansa dahil sa iniwang pinsala ng bagyong Ulysses matapos itong rumagasa Miyerkules ng gabi. Nahabag ang netizens sa mga kalagayan ng marami nating kababayan. 

Partikular na sa sanggol na ito na inilagay sa batya ng kanyang mga magulang upang matiyak na ligtas sya sa kapahamakan dulot ng halos lagpas-taong baha. 


Natuwa at naantig sa naging paraan ng mga magulang para mapanatili ang kaligtasan ng sanggol sa pamamagitan ng pagsiguro na hindi ito lulubog sa baha.

Narito ang mga larawan: