TIGNAN: Nagtitinda ng ihaw-ihaw, sinugod ng kapitbahay dahil perwisyo raw - The Daily Sentry


TIGNAN: Nagtitinda ng ihaw-ihaw, sinugod ng kapitbahay dahil perwisyo raw






Umani ng iba't ibang reaksyon sa mga netizens ang isang live video na viral ngayon sa social media, kung saan sinugod ng isang ginang ang nagtitinda ng ihaw-ihaw sa harap ng kanilang tahanan.



Dahil sa umiiral na pandemya, hindi naging madali ang buhay para sa nakararaming Pilipino lalo’t marami ang nawalan ng trabaho at pinagkikitaan na kabuhayan. Ang ilan ay gumawa ng kani-kanilang paraan at diskarte upang kahit papano'y makapagpatayo ng maliliit na negosyo para masuportahan ang kanilang araw-araw na pangangailangan.

Reklamo ng ginang, perwisyo raw ang negosyo ng kanyang kapitbahay dahil sa usok na nalalanghap nila araw-araw. 

"Ayaw niyo talagang tumigil ah. Pwede kayo magtinda, hindi ko kayo pinipigilan magnegosyo, pero wag kayo mamerwisyo ng iba. Nakakaperwisyo 'yang usok niyo," giit ng ginang.

Sumagot naman ang magkasamang vendor sa mahinahong paraan.

"Eto ang bumubuhay sa amin Ma'am, pasensya na po," sagot ng tindera.

"Eh sa ito lang po ang alam namin," dagdag pa ng kasama nito.



Ngunit hindi nagpapigil ang ginang at nagpatuloy ang pakikipagdiskusyon nito sa harap ng kanyang bahay.

Photo by Rica Arcanio



"'Yang ginagawa niyo, pinopollute niyo ang air namin... Ikaw kaya patayin ko, Pinapatay mo kami sa ginagawa niyo," sambit ng ginang.



Bigay diin pa niya, "Ok lang magnegosyo kayo diyan wag lang kayong mamerwisyo."



Iba-iba naman ang naging opinyon ng mga netizens ukol dito.

Katulad na lamang ng komento ni Edgiemar Gloria na nakapanood ng video, "Kasi maliit lng siguro ang puhunan ng nagtitinda. Di ba nga dyan lang nila kinukuha ang pambili ng pagkain nila sa pang araw araw. Sa mga may sinasabi na medyo di maganda maki (paki) bigyan na lang po sila ng pang gastos araw araw para hindi n sila maka perwisyo ng matapobreng mga kapit bahay."




Komento naman ni netizen Ildabu Dagoplo Federizo, "Nag bbq din ako dati pero gumawa ako ng paraan para hindi ako maka distorbo sa ibang tao. Nagpalagay ako ng exhaust kasi alam ko na may tao talaga na bawal sa usok lalo na pag may hika."


PANOORIN ANG BUONG VIDEO: 





Ano po ang masasabi niyo tungkol dito? Share us your thoughts in the comment section.


Source: Rica Arcanio