Video ng pagsagip ng mga sundalo sa mga na-trap sa bubong dahil sa baha, viral - The Daily Sentry


Video ng pagsagip ng mga sundalo sa mga na-trap sa bubong dahil sa baha, viral





Kuha sa video ang isinagawang helicopter rescue ng mga sundalo sa ilang residente na na-trap sa bubong ng kanilang bahay dahil sa mapanganib na lagpas-taong baha. 


Sa video na nag-viral sa social media, mapapanuod ang mga militar na matyagang sinasagip ang mga stranded na biktima ng nanalasang bagyo na Ulysses. 

Isa-isang kinukuha ng mga sundalo paakyat ng chopper ang mga kawawang residente kung saan may makikita pang mga bata na kasama.

Panuorin dito: