Amang kahit paralisado, itinataguyod ang pamilya bilang isang Mekaniko - The Daily Sentry


Amang kahit paralisado, itinataguyod ang pamilya bilang isang Mekaniko



Photo Courtesy: Buzzooks


Nagviral ang isang post ngayon tampok ang isang paralisadong ama na hindi na nagagalaw ang kanyang pang-ibaba at kalahating katawan. Ngunit kahit pa man sa kanyang kalagayan hindi ito naging dahilan upang huminto siya sa buhay. Patuloy parin siyang nag tatrabaho bilang isang magiting na mekaniko upang maitaguyod ang pangangailangan ng kanyang pamilya.


Pinagmumulan siya ngayon ng inspirasyon at hinahangaan ng karamihan dahil sa angking kabaitan at kasipagan kahit pa sa pisikal nitong kalagayan. 



Makikita sa mga larawang ibinahagi na kayang-kaya niyang gumawa ng kahit ano-anong mga sira mapamalalaking sasakyan man yan hanggang sa pinakaliit na mga gamit na kaya niyang kumpunihin at ayusin. 



Photo Courtesy: Buzzooks


Isang folding bed din ang tangi niyang sandigan pag siya’y may ginagawa. Ito na din mismo ang nagsilbi niyang sandalan sa araw-araw na pagtatrabaho bilang isang haligi ng tananan. 


Dito na din siya tinutulungan habang pinaliliguan ng kanyang mapagmahal na Asawa, na 'di tulad ng iba na kapagka may malaki ng problema o may pinagdadaanang sakit ang asawa imbes na samahan at alalayan ay mas pinili pang umalis at iwanan ang pamilya.  


Kahit pa mahirap sa tingin ng marami, walang hindi kakayanin pag palaging nakasuporta at nakaalalay ang pamilya sa paghahanapbuhay.  




Iniidolo ng mga natizen ang kanyang angking sipag kahit pa sa klase ng trabaho niya bilang isang mekaniko, na nangangailangan minsan ng buong lakas ng buong katawan ay nakayanan niya padin ang lahat, tunay na nag-uumapaw ang pagiging responsable niya bilang Ama.



Photo Courtesy: Buzzooks



Photo Courtesy: Buzzooks


Naiiugnay din siya sa mga tao na kahit pa malalakas pa ang mga katawan at walang mga kapansanan ay nagagawa pading gumawa ng masasama, manlamang at manloko ng kapwa upang mabilisang kumita. 


***


Source:  Buzzooks


Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!