Girlfriend nanggagalaiti sa galit dahil lang sa “My Day” ng isang magandang Babae - The Daily Sentry


Girlfriend nanggagalaiti sa galit dahil lang sa “My Day” ng isang magandang Babae



Photo Courtesy: Aleck Justine Gonomiya Villena


Hindi na mawawala sa sistema ng lipunan ngayon na kahit pa wala ka namang ginagawang masama, ay talagang may mga taong hindi ka magugustuhan, kaiinisan at kinaiinggitan ka lang. 

Nauuso at in pa rin sa lahat hanggang ngayon ang pagpopost ng mukha, status, pagkain, at ng kung ano-ano gamit ang “My Day” ng isang social media application ng Messenger na minsan ay pinagmumulan ng away dahil may mga patagong naiinis at selos sayo. 


Katulad nalang ng viral post ni Aleck Justine Gonomiya Villena kung saan nakahiligan niyang mag “My Day” ng kanyang mukha, ngunit di niya nalalaman may nagagalit na pala sa kanya. 

Sa mga larawan na kanyang ibinahagi, makikitang nag komento ang isang lalaki na nagagandahan sa kanyang pinost na picture at kanya naman itong pinasasalamatan. 

“Ang ganda mo ❤️,” 

“Kamukha mo si kathryn,”

“Pwede bang makipagclose? 😅,”

“Pati mata mo ang ganda grabe,”

“Ate ang ganda 😊,”



Photo Courtesy: Aleck Justine Gonomiya Villena


Ngunit laking gulat ni Aleck nang biglang nag-iba na ang mga kasunod na chat sa kanya at nanggagalaiti ito sa galit at pinapatigil pa siya nitong mag “My Day” pa, girlfriend pala ito ng lalaking unang nag chat sa kanya. 

Hindi maitago ng girlfriend ang kanyang galit at selos kay Aleck dahil kahawig nga naman talaga din ito kay Kathryn Bernardo, isang sikat at magandang artista sa showbiz industry. 


"GIRL ANG KAPAL NAMAN NG MUKA MO! KUNG PWEDE LANG WAG KANANG MAG MY DAY NG MUKHA MO KASI NAKAKASUKA LAGI KANG NAGPAPAPANSIN SA BOYFRIEND KO KAYA HINAHEART NAMAN ANG TOXIC MO GIRL KAHIYA KA KALA MO NAMAN MAGANDA KA." chat ng nanggagalaiting girlfriend.


Photo Courtesy: Aleck Justine Gonomiya Villena


"Account ko po ito ate, gusto mo po ba mukha mo i-myday ko?" sagot naman ni Aleck sa caption ng kanyang post. 

Marami din sa mga netizens ang nakakarelate sa nangyari kay Aleck at nagbigay ng kani-kanilang mga opinyon tungkol dito. May mga natuwa din sa "savage" niyang sagot sa babae:

"Boyfriend nya Ang pagsabihan nya B*bo hahaha." - Christian Matthew Verzuela

"YUNG GANITONG JOWA DAPAT TINATANGGALAN NG M*TA." 😂😂 - Qüeen Käth


"Kasi naman yung mga lalaking may gf na pa heart heart at pa comment comment pa sa ibang babae ng "ang ganda mo" "pwede makipagclose" blah blah blah. Mga an*m*l 😈 hahaha." 😂 - Rizza Rivera 

***

Source:   Aleck Justine Gonomiya Villena

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!