Isang customer ng Angkas inaway ng misis ng rider matapos mapagkamalang kabit - The Daily Sentry


Isang customer ng Angkas inaway ng misis ng rider matapos mapagkamalang kabit




Larawan mula sa Facebook (ctto)




Minsan talaga hindi maiiwasan sa isang relasyon ang pagiging seloso at selosa ang ating mga kabiyak, kung minsan pa nga ay nagiging over protective ang mga ito sa kanilang mga kapartner. 


Nariyan na yung binabasa ang bawat text messages, maging sa messenger at iba pang mga social media accounts ng kanilang mga kapartneray talagang binubusisi, maging ang paglabas ng bahay at mga lakad ay kailangan malaman ng ating mga kapartner.



Katulad na lamang ng nangyari sa isang netizen na ito, na kanyang ibinahagi sa isang Facebook page ng Angkas ang hindi naging magandang sagot sa kanya ng misis ng rider na kanyang nai-book.


Ayon sa ating netizen na si Ms. Bianca Ramos, nagpabook ito ng rider sa Angkas, ang tanging pinayagan na pangpasaherong motorsiklo sa Metro Manila upang mas mabilis ang kanyang byahe kahit matraffic sa kalsada.


Sa hindi inaasahang pangyayari, hindi makapanila si Bianca sa mga sumunod na pangyayari matapos syang magmessage sa rider na kanyang naibook upang tanungin kung nasaan na ito.


Napagkamalan kasi siyang kalaguyo ng asawa ng rider na kanyang ibinook. Nagkataon pa naman na umagang umaga pa  lamang at hindi pa ito nakakapag-almusal at marahil ay hindi pa maganda ang timpla ng mood ni Bianca.


Larawan mula sa Facebook (ctto)


Kanyang ibinahagi sa isang Facebook page ay mga screenshots ng sagutan ng misis ng rider na kanyang ipina-book.



Makikita sa sreenshot kung paano nagsimula ang kanilang sagutan. Unang nag-message si si Bianca sa nasabing rider at tinawag nya itong "kuya". At makikita dito na nagmessage sa kanya ng rider. 


Kinabukasan, nagreply na ito sa kanya at tila pabalang na tinatanong kung sino sya. Ani ng asawa ng rider, "sino ka”, at nasundan pa ito ng mga tanong at mga pambabastos sa kanya dahil inaakala nito na isa syang kabit ng kanyang asawa.


Ilang oras ang nakaraan at nagpakilala na ang inaakalang nyang rider na kanyang kausap sa messenger na ito pala ay ang misis ng nasabing rider at sinabihan na siya na kung anu-ano tungkol sa asawa nito at ang masaklap pa ay pinagkamalan pa nya itong "kabit" si Bianca.


Larawan mula sa Facebook (ctto)


“Anung kailangan mo sa asawa ko,” 



“Pa kuya kuya ka pa tapos ano next” mga tanong ng misis ng rider kay Bianca.


Sinabihan pa sya na marami namang mga lalaki dyan na wala pang responsibilidad at pamilyang binubuhay.


“hoy girl madami naman dyan ung nga walang responsibilidad na pwede mo tawagin na kuya” sabi nito kay Bianca. 


Ngunit ang nakapagpanting ng tenga niya ay ng sabihan sya ng, “baka gusto mo maging kabit”


Hindi na nga nakapagpigil ang netizen na ito at kanya ng sinagot ang misis ng rider at sinabi ng na hindi nya kailangan ng boyfriend at Angkas rider ang hinahanap nya.



Hindi na nakasagot ang misis ng rider dahil sa mga masasakit din na sagot ni Bianca sa kanya.


Larawan mula sa Facebook (ctto)


Maraming beses na din ang ganitong pangyayari kung saan ay napagkakamalang mga kabit ang mga customer ng Angkas ng mga selosang asawa ng mga rider nito.