Vendor ng mani na PWD, humagulgol sa pag-iyak matapos umanong tangayin ng hold-upper ang kanyang pinaghirapan - The Daily Sentry


Vendor ng mani na PWD, humagulgol sa pag-iyak matapos umanong tangayin ng hold-upper ang kanyang pinaghirapan



Hindi na talaga mawawala sa ating lipunan ang mga masasama at mapagsamantalang tao. Wala silang pinipiling biktimahin, mayaman man o mahirap, bata man o matanda.
Photo credit to the owner

Minsan, kahit na anong pag-iingat natin ay hindi pa rin tayo makaliligtas sa mga masasamang loob.

Samantala, naantig ang puso ng mga netizens sa larawan ng isang mani vendor na humahagulgol sa pag-iyak matapos tangayin ng holdaper ang kanyang kinita sa pagtitinda pati na rin ang sariling pera.

Mabilis na nag-viral sa Facebook ang mga larawan ng mani vendor na ibinahagi ng netizen na si Ariel Flores Campado.

Makikita sa larawan ang ina ng vendor na yumayakap sa kanya at pilit siyang pinapatahan.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

Samantala, isang Facebook user na nagngangalang Maricar Alpar Cabildo ang nagbahagi ng video kung saan makikitang natagpuan ang bag ng biktima.

Narito naman ang ilang komento ng mga netizens:




Samantala,  naguluhan ang ilang netizens sa tunay na pangyayari matapos maglabas ng imbestigasyon ang PNP. Anila, wala raw holdapan na nangyari.


***
Source: KAMI