Bagong kasal, binigyan ng nagkakahalagang 100K sa kanilang Money Dance - The Daily Sentry


Bagong kasal, binigyan ng nagkakahalagang 100K sa kanilang Money Dance



Larawan kuha mula sa She Wrapped

Isa ang seremonya ng kasal sa pinakapinaghahandaan na malaking okasyon ng mga Pinoy. Ito’y nangangailangan ng mahaba-habang preparasyon at maging ng pinansyal na gastos.


Sa okasyong ito, hindi mawawala ang “Money Dance” na naging tradisyon na ng mga bagong ikinakasal kung saan sasayaw sa gitna ang bagong mag-asawa, hanggang sa ang bawat isa sa kanila ay isasayaw ng mga taong dumalo sa kanilang selebrasyon. 



Ito’y hindi lang basta simpleng sayaw, dahil sa kung sino man ang sasayaw sa bawat couple ay magsasabit ng pera sa mga damit ng bagong kasal. 


Katulad nalang ng nag-viral na post tungkol sa limpak-limpak na halaga ng pera ang isinabit sa bawat isa ng mag-asawa, at dahil sa dami ng pera ay ginawa ito na parang isang malaking kapa. 


Nagkakahalagang instant 100K ang nakasabit sa newly wed couple na pakana naman ng mga Ina ng bride at groom. 





Makikita sa mga ibinahaging mga larawan ang bakas ng tuwa at kasiyahan sa mga mukha ng bagong ikinasal na sina Mrs. Em Dizon-Garcia and Mr. Myko Garcia. 


Para sa karamihan, ginagawang panimula ang perang nalikom nila mula sa money dance para sa bagong yugto ng buhay ng bagong mag-asawa. 


Marami naman sa mga netizens ang napapa-SanaAll at namangha sa malaking halagang pa-regalo ng mga Nanay ng mga ikinasal. 


Narito ang buong post: 


PANTOMINA MONEY CAPE WORTH 100k!!! 🤑


Thank you so much to the mothers of the Bride and Groom, Ma’am Tess Dizon and Ma’am Blurks Tolosa-Garcia ❤



Congratulations to the newly wedded couple, Mrs. Em Dizon Garcia and Mr. Myko Garcia 💘


©️ full credits to the rightful owners of the photos 


#SheWrapped

#MoneyCape

#MYKOisGettingEMmaried











***


Source:  She Wrapped


Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!