Ang kwento sa likod ng malagim na sinapit ng Fairview Bus - The Daily Sentry


Ang kwento sa likod ng malagim na sinapit ng Fairview Bus





Isang balita ang gumulantang sa madla matapos ang insidenteng nangyari sa Fairview bus na tila naging byaheng impyerno. 


Kahindik-hindik na pangyayari ang sumalubong sa 2021 nang lumabas ang balita tungkol sa sinapit ng Fairview bus, ikatlong araw pa lamang ang nakalilipas matapos ang pagsalubong sa bagong taon. 

Nangyari ang insidente sa Pearl Drive, Commonwealth ave., Souhbound lane ng Quezon City kung saan dalawa ang kumpirmadong yumao.

Ayon sa mga nakalap na impormasyon ng GMA news correspondent na si Jhomer Apresto, nag-ugat ang malagim na trahedya mula sa simpleng alitan ng babaeng konduktor at lalaking pasahero. 

Kwento ng mga nakasaksi, bago maganap ang insidente ay nagtatalo umano ang dalawa tungkol sa lugar na dapat ay bababaan ng lalaki. 

Sa cubao raw nais bumaba ng naturang pasahero ngunit paliwanag ng konduktor ay hindi sila titigil doon. Dahilan para magpatuloy ang pag-aaway ng dalawa na nagresulta pa sa pisikalan.

Bunga nito ay natumba ang konduktor na babae. Pero nang tumayo ito ay agad umano syang sinabuyan ng gaas ng kaaway na lalaki at saka sinilaban ang kaawa-awang babae gamit ang dala nitong lighter.

Sinubukan pa umanong lumabas ng babae sa bus ngunit hindi nya na ito nagawa sapagkat hinarang sya ng lalaking pasahero na sumunog mismo sa kanya. 

Maging ang lalaking gumawa nito ay nagsaboy din ng gas sa kanyang katawan at saka sinindihan ang kanyang sarili. 

Saad ng bus driver, maging sya ay nagulat sa naging pag-aaway ng dalawa kung kaya naman agad nyang ihininto ang sasakyan para itabi at makalabas ang iba pang mga pasahero kung saan ang ilan sa kanila ay lumabas sa likod na parte ng bus matapos nila itong wasakin upang makaligtas sa tiyak na kamatayan.