Babae ikinulong dahil may problema sa pagiisip, magulang humihingi ng tulong na maipagamot ang anak - The Daily Sentry


Babae ikinulong dahil may problema sa pagiisip, magulang humihingi ng tulong na maipagamot ang anak



 

Larawan mula kay Gi Gi

Tila nga naman naging daan na ang social media para humingi ng tulong o kaya naman ay maibahagi ang mga mahahalagang pangyayari na nais ipaabot sa mga may mabubuting puso upang matugunan ng karampatang sulosyon.


Katulad na lamang ng post ng isang netizen na si Gi Gi kung saan ay idinulog nito sa kanyang Facebook account ang kalagayan ng kanyang kaibigan na na babae na si alyas "Bebe", 29 taong gulang na tubong Negros Occidental.


Si Bebe ay kasalukuyan ngayong nakakulong mismo sa loob ng kanilang tahanan dahil na rin sa kadahilanang may problema ito sa pag-iisip.

Larawan mula kay Gi Gi

Mahirap man sa pamilya ni Bebe na gawin ito sa kanya ngunit ginagawa nila ito para na rin sa kaligtasan niya dahil kapag nakalaya ito ay nananakit umano ito ng tao at pumupunta sa malalayong lugar.

Larawan mula kay Gi Gi

Nagsimula ang karamdaman ni Bebe taong 2009 at gumaling ito sa mental facility taong 2014 ngunit bumalik ang karamdaman nito dahil nagkaroon ng sakt ang kanyang ama at wala na silang pampagamot.


Dahil dito ay humihingi ang pamilya ni Bebe na kaunting tulong na maiparating ang mensaheng ito sa may mabubuting puso upang matulong at maipagamot si Bebe.


Basahin ang buong post ni Gi Gi sa ibaba:


"Good day, friends.

 

"Kumakatok po kami sa inyong mga puso para matulungan kaming maipaabot ang sitwasyon ng isang kaibigan sa mga media o programang pangtelebesyon tulad ng #KMJS15 at #Raffytulfoinaction. for professional help.

Larawan mula kay Gi Gi

"Ang nasa mga sumusunod na larawan ay si alyas "Bebe", 29 taong gulang, pangalawa sa limang magkakapatid from Brgy. Maquiling, Sagay City, Negros Occidental, wala sa matinong pag-iisip since 2009. Cause: Nervous Breakdown.

Larawan mula kay Gi Gi

"Napatingnan at na treat na sya noong 2014 sa isang mntal facility ngunit dahil nagkasakt ang kanilang ama ay hindi na kaya ng kanilang pamilya ang gastusin sa pagpapa gamot sa kanya.


"Noong hindi pa siya kinuklong, merong cases na nag hahallucinate o di kaya'y nananakt, lagi din siyang umaalis ng bahay at kung saan-saan pumupunta, kahit gabi na o kahit malayo. Napag desisyonan ng kaniyang pamilya na siya ay ikulng na lamang, sa pangamba ding baka sya ay mapagsamantalahan o madisgrsya.


"Ngayon, ang gusto lamang ng kanyang pamilya ay makarating ang mensaheng ito sa mga taong may pusong tumulong pinansyal o kahit sa panalangin.

Please share this and use #KMJS15 and #Raffyrulfoinaction. You can comment using these hashtags, too..


"Maraming salamat.. Merry Christmas..


"(The real name and face of "Bebe" is covered as per request of her family)


"PS: I asked and had their family's permission/consent to make this post.


"update: Marami pong nagtatanong kung bakit ganyan ung suot nya, marami ding nanghuhusga na kesyo nagmomodel modelan lang sya at pinapabayaan ng pamilya, sa totoo lang po, nginangatngat nia po o di kaya pinupunit ang mga damit nya, actually pgkatapos po namin syang picturan niligo at binihisan po sya kaya lng hindi na kmi nakapicture. Ung klungan nya po hindi sya jan kasya, malaki lng tingnan ung mga butas sa pictures kasi malapitan ung pagkuha. Ang klungan niya po ay nasa loob lamang ng bahay nila, noong hindi pa sya kinuklong ay nagiging byolente sya minsan at kung saan2 pumupunta, sumasakay ng bus at umabot pa nga yan ng Cebu kaya hindi nio po masisisi ang pamilya nyang iklong nalang sya dahil baka mapahamak o hindi nila matagpuan pag naglayas o hindi naman ay baka mapagsmantalahn at mabuntis, mas minabuti nalng nilang iklong sya upang mapayapa din sila at para sa safety ni Bebe, please po, wag po kayo agad2 mag comment ng mga judgement niyong hindi naman totoo dahil hindi nio naman po alam ang buong istorya at tunay na pinagdadaanan ng kanilang pamilya, sana mapagod na kayong maghasik ng negativity sa universe..


"Update na naman tayo kasi maraming pasaway at matalino sa comment section: Ano po bang pinaglalaban ng iba dito? Bakit niyo pinipilit na bakla si Bebe? Mas may alam pa po ba kayo sa nakakakilala sa kanya? Gagaling ba sya pag napatunayan niyong hindi sya babae? Sabi nila dahil daw malaki braso ni Bebe, guys? really? hindi nio pa nakikita braso ko..


"BABAE PO SIYA"


Basahin ang ilang komento ng netizen sa ibaba: 


"Just asking LNG po I was curious kc kung kinlong po sya sa bhay lng nila why she's still wearing those like a rugs and it seems her family didn't care..


"Sana po marami tumulong sa kanya at gumaling po sya... Kahit ano pa yan sino pa yan hangad q po ang kayang paggaling...


****


Source: Gi Gi