Magtiyahin sa Aklan, nagkapisikalan dahil lang umano sa hindi pagbabayad ng utang - The Daily Sentry


Magtiyahin sa Aklan, nagkapisikalan dahil lang umano sa hindi pagbabayad ng utang




Marami na ang nasisirang magandang relasyon dahil sa hindi pagbabayad at lumilimot ng mga UTANG. 


Ito rin ang madalas na naging puno't dulo kung bakit marami na sa mga tao kapamilya man, kaibigan, kapitbahay, kumare/kumpare ang takot na magpahiram o magpa-utang ng pera sa iba at baka mawala nalang ang lahat sa limot at hindi na mabayaran. 


Ganito ang sinapit ng magtiyahin mula sa Probinsiya ng Aklan na humantong sa pisikalan  na sakitan dahil sa matigas umano magbayad ng utang sa halagang PHP950.00


Ayon kay Arlyn, chinat niya ang Tita Vivian niya upang singilin sa utang nito, ngunit di niya inakalang susugurin na siya nito at pagsisigawan at saktan habang siya'y naglalaba. 


“Nag-chat ako nu’ng umaga, sinisingil ko kasi siya sa utang niya na P950."


Hindi na niya umano mapigilan ang pananakit sa kanya ni Vivian, kaya niya ito nasuntok.


"Tapos habang naglalaba ako, bigla na lang sumugod ‘yung tiyahin ko at pinagsisigawan ako! Tapos sinasaktan na niya ako!"


"Siyempre, masakit sa akin ‘yun. Hindi nga ako ginaganyan ng nanay ko. Bigla ko na siyang sinuntok!" 


Kwento pa ni Arlyn, halos nilapa na umano siya ng kanyang Tita, hanggang umabot ang kanilang pag-aaway sa putikan. 


"Hanggang sa napahiga ako sa putikan. Bigla niya akong k*nagat sa mukha! ‘Yung bunganga niya nasa may mata ko, ang tagal niya bago tinanggal. ‘Yung mata ko d*mugo na! K*nagat niya ako sa mukha, sa tenga, sa likod at sa leeg!”


Depensa naman ni Vivian, hinding-hindi niya maalala kung saan nanggaling ang sinisingil  sa kanya na utang ng pamangkin niyang si Arlyn. 


“Hindi ko lubos maisip kung saan nanggaling ‘yung utang ko na P950 sa kanya. Paano naman ‘yung kinuha niya sa akin na bigas?"


Hindi ko siya k*nagat. Siya ang nauna. Tumayo siya at sinuntok ako! Siyempre, gumanti ako. Nakakahiya ‘yung ginawa niya.”


Marami sa mga netizen ang naglabas din ng kani-kanilang  opinyon tugkol sa kinahahantungan ng isyu ng magtiyahin na sina Arlyn at ni Vivian:


"Kaya hanggat maaari wag na magpautang kasi ang daming nagiging sakit ng nangutang! Yung iba nagkaka amnesia,stiff neck at yung iba nagiging bayolente! Hirap maningil!" komento ni Carol Romano.


***

Source: KMJS

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!