Netizen, natagpuan ang inspirasyon sa isang poging delivery man na nag-deliver ng kanyang order - The Daily Sentry


Netizen, natagpuan ang inspirasyon sa isang poging delivery man na nag-deliver ng kanyang order



Larawan mula sa Magallon Co

Ngayong panahon na limitado lang ang paglalabas ng mga tao para mamamili ng mga gamit ay lalong sumikat ang mga online shopping application katulad na lamang ng Lazada, Shopee at iba pa.


Dahil na rin sa pangamba ng mga tao na mahawa sa kasalukuyang kumakalat na sakt ay mas minabuti ng ilan na mamili na lamang sa online dahil bukod kasi sa mura at hindi aksayado sa oras ay ide-deliver pa ito mismo sa inyong bahay at masisiguro pa ang iyong kaligtasan.


Halos lahat ng pangangailangan ng tao ay maaari ng bilhin online katulad ng mga pagkain, damit, sapatos, gadgets, kasangkapan sa bahay at marami pang iba.


Dahil dito ay patuloy ang pagtangkilik ng mga tao sa mga online shopping application na ito.


Ganun pa man, viral naman sa social media ang post ng isang netizen na babae kung saan aniya ay natagpuan na nito ang kanyang inspirasyon sa buhay matapos nitong makita ang poging delivery man na nagdeliver ng kanyang inorder mula sa online shopping na Lazada.

Larawan mula sa Magallon Co

Ang naturang post ng babaeng ito ay kinaaliwan ng mga netizen at kaagad itong kumalat sa social media.


Sa kanyang post, makikita ang mga larawan ng isang poging lalaki na nakatayo sa harapan ng kanilang bahay habang hawak-hawak ang kanyang order na hair dye.


Dahil sa magandang itsura at makisig na pangangatawan ni delivery man na nakasuot pa ng jeans at puting t-shirt ay tila nabighani ang babae at nasabi nitong nahanap na niya ang kanyang inspirasyon sa buhay.

Larawan mula sa Magallon Co

Ayon pa sa kanya, hiniling pa nito na sana ay tuwing mamimili siya sa Lazada ay si kuyang pogi nalang ang maghahatid sa kanya ng kanyang order.

Larawan mula sa Magallon Co

Basahin ang kanyang post sa ibaba:


"LAZADA NAMAN.. HAIR DYE LANG INORDER KO BAT MAMAN INSPIRASYON PARA MABUHAY ANG BINIGAY NIYO. SEE YOU NEXT TIME KUYA.. IKAW NA LANG SANA PERSONAL DELIVERY MAN KO..  ayoko na sa may asawa. sana single ka kuya."


Ang naturang post ay nakalikom ng 100k likes 86k shares at 42 comments mula sa mga netizen.


****


Source: Magallon CO