Used band aid, nanguya ng isang customer mula sa pagkaing inorder sa restaurant - The Daily Sentry


Used band aid, nanguya ng isang customer mula sa pagkaing inorder sa restaurant



Nagreklamo ang isang customer sa sikat na buffet restaurant matapos siyang maka-nguya ng gamit na band aid imbes na karne mula sa inorder na beef stew nitong Sabado, Enero 23.
Photo credit: RMN Ilolo

Agad na ipinatawag ni Reydan Gadong ang manager ng nasabing restaurant upang iparating ang kaniyang reklamo.

Ayon sa Facebook page na “RMN Iloilo”, pinalitan lamang ng manager ang order ni Gadong at hindi na ito pinabayaran sa kaniya.

Samantala, magsasagawa naman ng imbestigasyon ang pamunuan ng naturang kainan patungkol sa nasabing insidente upang matukoy kung sino ang nagmamay-ari ng nasabing band aid.

Plano rin ng biktima na magsampa ng karampatang kaso laban sa restaurant dahil sa nangyari.

Sinubukan ng RMN Iloilo na kunin ang pahayag ng manager na si Alvin Corneja ngunit “No comment” raw muna siya.

Sa ngayon ay hindi raw makakain si Gadong dahil sa “trĂ¥umatic dining experience' niya sa Vikings.

Narito ang ilang komento ng mga netizens:



***
Source: RMN Iloilo