Ivana Alawi, Pinrank at Sinorpresa ang mga Delivery Riders. Riders Napaiyak sa Sobrang Tuwa. - The Daily Sentry


Ivana Alawi, Pinrank at Sinorpresa ang mga Delivery Riders. Riders Napaiyak sa Sobrang Tuwa.



Photo credit to Ivana Alawi's YouTube account

Muli na namang nagtrending online ang sikat na vlogger at aktres na si Ivana Alawi matapos nito diumanong magbigay ng libreng helmet at cash prize sa ilang delivery riders kamakailan.

Kilala si Ivana sa pagkakaroon nito ng magandang mukha at katawan at isa sa itinuturing na pinakasikat sa larangan ng vlogging. Ngunit mas hinangaan siya ng netizens ng magsimula siyang tumulong sa mga nangangailangan nitong panahon ng pandemya.



Photo credit to Ivana Alawi's YouTube account

Photo credit to Ivana Alawi's YouTube account

At nito ngang huli ay napili niyang tulungan ang mga food delivery riders na ayon sa kanya ay karapat-dapat dahil sa mga pinapakitang kasipagan ng mga ito at paminsang kaawa-awa sa tuwing nasascam ng ibang customers.

Sa kaniyang bagong YouTube vlog, nabanggit ni Ivana na mahilig siyang mag-order ng mga pagkain online, kaya naman lubos niyang hinahangaan ang mga delivery riders. Lubha din raw siyang nalulungkot sa tuwing nakikita at nalalaman na mayroong mga riders na naloloko ng kanilang mga customers at hindi binabayaran ang mga ito.



Photo credit to Ivana Alawi's YouTube account

Photo credit to Ivana Alawi's YouTube account


Ani Ivana, hindi siya natutuwa sa mga scammers na pinagtritripan ang mga riders na nagtratrabaho ng marangal. Kaya sa kanyang maliit na paraan ay magbahahagi siya ng tulong at pasasalamat at napili niyang magbigay ng helmet na siguradong ikatutuwa ng mga ito. Magbibigay din sya ng kaunting cash para makatulong sa pamilya ng mga riders.

Personal namang nagtungo ang vlogger sa isang store upang bumili ng mga high quality helmets na kanyang ipamimigay. At matapos mamili ay nagtawag si Ivana ng mga riders sa ibat-ibang food delivery app at naghanda ng simpleng palaro para sa ipamimigay na cash price.



Photo credit to Ivana Alawi's YouTube account

Photo credit to Ivana Alawi's YouTube account

Aniya, gumamit siya ng ibang pangalan sa pagbook ng mga delivery upang hindi malaman ng mga rider ang kanyang surprise. Pinapasok sila mismo sa gate ng kanyang bahay upang maiabot kunyari ang bayad habang kinukuhanan ang mga ito ng video.

Personal ding pinapili ni Ivana ang mga riders ng helmet sa disenyong gusto ng mga ito at binigyan ng tag-sampung libo bawat isa bilang reward sa kanilang hard work.


Photo credit to Ivana Alawi's YouTube account

Photo credit to Ivana Alawi's YouTube account

Lubha namang nagulat ang lahat ng napiling riders at drivers ng makita ng personal si Ivana. Lubos din ang kanilang tuwa at pasasalamat at ang iba pa nga ay hindi napigilang maiyak sa sorpresang handog ng aktres at vlogger.

Sobra namang natouch si Ivana sa naging reaksyon ng mga riders dahil naappreciate daw diumano ng mga ito ang effort at tulong niya. Labis din diumano ang kanyang naramdamang saya ng makitang napaligaya niya ang mga ito sa kaunting tulong na kanyang ibinigay.