Ika-50 taong anibersaryo ng kasal ng lolo at lola, mala-pre nup sa ganda photo shoot - The Daily Sentry


Ika-50 taong anibersaryo ng kasal ng lolo at lola, mala-pre nup sa ganda photo shoot




Photo courtesy of Facebook/AYN



Tunay na nakaka-inspire na halimbawa ng tunay at wagas na pagmamahalan ang mga larawan  ng magsing irog na ito mula sa Sarangani province na nagdiriwang ng kanilang Golden Anniversary nitong ika 2 ng Pebrero, 2021.


Ayon sa kwento, napag kasunduan ng mga anak nina tatay Renato Moncera, 81 at nanay Virginia, 71 na bigyan ng surpresang mala wedding pre nup photo shoot ang kanilang mga magulang.  *



Laking gulat na lamang nilang mag-asawa na sinet-up pala sila ng kanilang mga anak kasabwat ang kanilang mga photographer at make up artist. Hindi umano nila inaasahan na may magaganap na photo shoot para sa kanilang simpleng selebrasyon lamang.


"Suprise kasi talaga. Nalaman na lang namin nung nandon na kami sa hotel. 'Yung kasama na namin... Dun ko naintindihan na pakana lahat ng anak namin,"  ani nanay Virginia sa panayam sa kanila ng ABS-CBN. 


Ayon sa kwento ni nanay Virginia tungkol sa simula ng kanilang pagsasama, wala naman daw naganap na ligawan sa kanila ng kaniyang asawa na si tatay Renato, kundi pagkakaintindihan lamang at matapos ang anim na buwan bilang magkasintahan ay nagpakasal na sila.


Isa daw sa sekreto ng kanilang matibay na pagsasama ay ang pag unawa sa bawat isa. Ani pa ng mag-asawa, hindi nasusukat sa tagal ng pagiging magkasintahan ang desisyon na magpakasal.  *



Photo courtesy of Facebook/AYN


"Parang biglaan lang. 'Di ko pa nasasabing mahal ko siya kasi 'di ko rin naman narinig sa kanyang nagsabi na 'mahal kita' o ano... Kami sa pagtingin lang nagkasundo lang sa biruan. 'Yun ang love life namin," kwento pa ni tatay Renato. 


At mula noon ay biniyayaan sila ng labing dalawang anak at matiwasay na namumuhay sa Upi, Maguindanao.


Kinagiliwan naman sila ng mga netizen at nagpahayag ng pagnanasa na sana balang araw ay makatagpo din sila ng wagas na pag-ibig. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:


"Being deeply loved by someone gives you strength, while loving someone deeply gives you courage..congratulation both of you."



"May forever naman pala... God bless po sa inyo mag-asawa."


"Walang ligawan pero my long lasting forever love sila na tinatawag sana all katulad mo tatay congrats po sa inyo."  *

 

Photo courtesy of Facebook/AYN