Iresponsableng ama, may pang-date kay no. 2 sa valentine's day pero di makabili ng gatas para sa sariling anak - The Daily Sentry


Iresponsableng ama, may pang-date kay no. 2 sa valentine's day pero di makabili ng gatas para sa sariling anak




Photos courtesy of Facebook @Jhayzell Flores Banaag


Hindi na napigilang maglabas ng sama ng loob ang isang misis sa social media matapos itong iwan ng kanyang live in partner at ipagpalit siya sa isang babae na may mga anak din.


Ayon sa post ng ginang na si Jhayzell Flores Banaag, iniwan silang mag-iina ng kanyang ka live-in partner na is Raffy Casay dahil may iba na itong babae.  *



"...wala kang kwentang lalaki alam mong buntis ako ngaun ganyan pa Ginawa mo, tapos mag hahanap kana nga lng ng kapalit may anak din nman," ayon sa post ng ginang


Nakuha pa umano nitong makipagkita sa kanyang nililigawan na babae at hindi man lang daw nagbbibigay ng pang sustento para sa kanilang anak at sa kasalukuyan ay nagdadalang tao pa ngayon si Jhayzell.


Ang lalo pang nakapag pagalit sa ginang ay nang magbigay ito ng Ph50 para pambili ng pagkain nilang mag ina dahil wala na daw umanong pera itong si Raffy. Ngunit nalaman nyang nakipag date lang pala ito sa kanyang babae at nakuha pa umano nitong mag check in sa hotel.


"Nakuha mo pa talaga maghanap ng sogo wala kana ngang matinong mapakain sa pamilya mo! grabe ka @casay raffy block mo pa ko para hndi ka ma tag! "  *



Photos courtesy of Facebook @Jhayzell Flores Banaag


At ang lalo pang ikinagalit ni Jhayzell ay binilhan pa nito ng apat na bulaklak para sa Valentine's day samantalang ang sarili nitong anak ay hindi man lang umano mabilhan ng gatas. 


" Grabe ka casay Raffy hndi mo manlang talaga inisip mga anak mo nakuha mo pa talagang makipagkita sa babae mo. Iniwan mo kami kanina 50php lng kase sabi mo wala kanang pera sa Friday kana lang magbibigay tapos ngaun makikita ko kasama mo babae mo bumili ka pa ng 4pcs n bulaklak," ani Jhayzell.


Sa kasalukuyan ay buntis ngayon sa kanilang ikalawang anak si Jhayzell ngunit hiniwalayan na sya ni Raffy at ngayon ay may bago ng nobya at may anak na din ito na syang hindi matanggap ng misis.


Sumbat pa ni Jhayzell sa kalive-in partner, na mas tanggap pa umano nito ang anak ng iba kesa sa sarili nilang anak. *



Photos courtesy of Facebook @Jhayzell Flores Banaag

"...tapos mag hahanap kana nga lng ng kapalit may anak din nman, ano Mas tanggap mo anak nya kesa sa mga sarili mong anak?" dagdag pa ng ginang. 


Kaya naman labis ang galit ni Jhayzell sa kanyang dating kinakasama na napaka iresponsable, na mas inuuna pa nito ang sariling kaligayahan bago ang kapakanan ng kanyang musmos na anak at asawa na kasalukuyang buntis.


Nagviral sa social media ang post nyang ito at halos lahat ng netizen ay nahahabag sa kanilang mag-iina. May ibang netizen pa nga ang nagsasabi na ipa-Tulfo nya ang mga ito upang makahingi sya ng hustisya at sustento para sa mga bata. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:


"Sis police station na. Kaya pla di ka nag aasikaso para maaksyunan n yan. Pde ka mag ask dto. Marmi tutulong sau habang naghihinty ka sa tulfo. Lumapit ka sa pulisya."



"keep on fighting be. Wag susuko kayang kaya mo yan. Laban lang ha"


Photos courtesy of Facebook @Jhayzell Flores Banaag