Maling Akala! Misis Nagselos sa Sarili? Sinaktan si Mister sa Pag-aakalang may Other Woman Ito - The Daily Sentry


Maling Akala! Misis Nagselos sa Sarili? Sinaktan si Mister sa Pag-aakalang may Other Woman Ito



Phot grabbed from Google | Credit to the owner

Minsan talaga ay hindi naiiwasan ang matinding selos sa pagitan ng mag-partner o mag-asawa. Ito raw ay dulot ng sobrang pagmamahal at takot na baka maagaw pa ng iba ang kanilang iniibig.

Ngunit, hanggang saan nga ba ang hangganan ng pagseselos at ang iba ay nagagawang saktan ang kanilang kabiyak? Pagmamahal pa nga bang maituturing kung nauuwi sa pananakit ang selos na iyong nararamdaman?



Kamakailan ay nag-viral ang kwento ng mag-asawa sa Mexico city kung saan sinaktan diumano ng misis ang kanyang mister dahil sa pagseselos.

Ang dahilan, nakita raw kse ni misis ang larawan ng kanyang mister na may kasamang mas batang babae na naka-'save' sa cellphone nito.

Phot grabbed from Google | Credit to the owner

Ngunit ang hindi alam ng misis ay siya pala ang nasa larawan na inakala niyang "other woman" at kuha ito ilang taon na ang nakalipas, noong sila ay bata pa at nagde-date pa lamang.

Ayon sa balita, sinabing nangyari ang insidente sa Sonoram Mexico at inaresto ang babae na itinago sa pangalang 'Leonora'.

Nagalit diumano si Leonora sa mister na itinago rin sa pangalang 'Juan', nang makita sa cellphone ang mga larawan nabanggit.

Dahil dito, kumaha ng patalim ang misis at sinaktan ang kanyang mister na hindi man lang inalam ang katotohanan at hindi binigyan ng pagkakataong magpaliwanag ang kanyang asawa.



Phot grabbed from Google | Credit to the owner

Sa kabutihang palad ay nagawa naman maagaw diumano ni Juan ang patalim at doon nga ay nilinaw ang katotohanan sa galit na galit na asawa na wala naman siya talagang ibang babae at ang nasa larawan ay ang sariling asawa mismo noong siya ay balingkinitan at bata pa.

Ipinaliwang din ni Juan na ang larawang iyon ay kanyang ipinaayos at na-digitize lamang mula sa lumang larawan, upang kanyang ma-save sa cellphone at pamnsan ay mapagmasdan.

Kaagad naman raw tumawag ng pulis ang mga kapitbahay ng mag-asawa nang kanilang marinig ang away at kaguluhan sa bahay sa pagitan ng mag-asawa at maswerteng nailigtas ang  mister sa galit ni misis.

Hinuli at kinulong naman diumano si Leonora habang naghihintay pa ang mga awtoridad kung magsasampa ng kaso laban sa kanya ang asawang si Juan.




SourceYucatan Magazine