Grocery Store na Walang Babayaran Kahit Piso, Isang Kahanga-hangang Proyekto! - The Daily Sentry


Grocery Store na Walang Babayaran Kahit Piso, Isang Kahanga-hangang Proyekto!



Photo credit to Lovely Sotto | Facebook

Hinahangaan ngayon sa online community ang post ng netizen at good samaritan na si Lovely Sotto tungkol diumano sa isang grocery store kung saan ay libre kang makakapamili ng pagkain at iba pang bagay na kahit piso ay wala kang babayaran.

Si Sotto ay volunteer ng isang online platform na tumutulong sa mga kapos palad. Ito ay ang MCGI Free Store, isang tindahan na puno ng pangangailangan tulad ng pagkain, damit , sabon, diapers at marami pang iba.


Photo credit to MCGI Free Store | Facebook

Noong Biyernes ay ibinahagi ni Sotto ang mga larawan at sinabing hindi niya maiwasang pahalagahan ang mga taong dumarating sa tindahan.

"Nakakatuwa yung iba na pumunta kanina kasi sinasabi nila, 'Bibilisan ko lang po kumuha para po makakuha rin 'yung iba," ani Lovely.
 
"Kahit hirap na sa buhay, iniisip parin nila 'yung kapwa. Ang mayaman pag tumulong sa kapwa, mabuti yun. Pero pag ang mahirap, tumulong sa kapwa mahirap, extraordinary yun.", dagdag niya.


Photo credit to MCGI Free Store | Facebook

Ang tindahan ay isang inisyatiba ng Members of the Church of God International (MCGI), isang samahan ng relihiyosong Kristiyano.

Ayon pa kay Lovely, ang proyektong ito ng libreng tindahan ng MCGI ay bukas sa publiko matapos itong paunang buksan para sa myembro ng organisasyon. Ang proyektong ito ay pandaigdigan na inilunsad noong Marso.

Sa tulong ng mga myembro ng organisyon ay nagagawa nilang magsupply sa ibat-ibang stores worldwide.


Photo credit to MCGI Free Store | Facebook

Photo credit to MCGI Free Store | Facebook

Sa kasalukuyan ay umani na ng napakaraming reaction, comments at shares ang naturang post.


Basahin ang buong post sa ibaba:

"Get everything here for free! Walang babayaran kahit piso. 

Nakakatuwa yung iba na pumunta kanina kasi sinasabi nila “Bibilisan ko lang po kumuha para po makakuha rin yung iba.” Kahit hirap na sa buhay, iniisip parin nila yung kapwa. Ang mayaman pag tumulong sa kapwa, mabuti yun. Pero pag ang mahirap, tumulong sa kapwa mahirap, extraordinary yun. Kami po’y mga aliping walang kabuluhan lamang. Thanks be to God for the opportunity to serve Him. Nawa’y bigyan Niya pa ako ng buhay na makapaglingkod muli, loobin.
 
Love,
your worthl3ss servants

P.S. Ang Dating Daan Lokal po ng Pamplona Tres, Las PiƱas po kami nakalocate. Meron din po sa location niyo! Di ko na po kasi kaya replyan lahat. Open po para sa lahat ng mga nangangailangan. For more details kung paano makakakuha ng libreng grocery at exact address ng pinakamalapit na branch sa inyo, visit this page po, MCGI Free Store or magtext po sa hotline:

Globe - 0977 674 0328
Smart - 0968 658 2190

If di po agad makaresponse, hintay-hintay lang po tayo. Tao lang din po yung operator. Awa’t tulong po, maaccommodate lahat ng texts po. 

Thanks be to God! 

#MCGIFreeStore #EverythingForFree #GetWhatYouNeedNotWhatYouWant



SourceLovely Sotto | Facebook