Tatay na Pasilip-silip sa Shop ng Damit dahil Nais Bilhan ang Anak, May Natanggap na Sorpresa! - The Daily Sentry


Tatay na Pasilip-silip sa Shop ng Damit dahil Nais Bilhan ang Anak, May Natanggap na Sorpresa!



Photo credit to BIHIS CALLE's Facebook page

Talaga nga namang hindi matatawaran ang pagmamahal ng isang magulang sa anak. Pinatunayan ito ng isang tatay na hinangaan dahil sa kabila ng hirap ng buhay ay pinursiging mag-ipon para mabili ang gustong damit ng anak.

Siya ay si Tatay Franco Emperado, isang pedicab driver at newspaper boy na diumano ay nakitang pabalik-balik at pasilip-silip sa 'Bihis Calle' isang shop ng damit sa Laguna.


Mismong ang may-ari ng shop na si Mark Eimer ang nagbahagi ng kwento ni Tatay Franco, na sadyang umantig ng puso ng netizens at nag-viral online.

Sa kanyang Facebook post kamakailan, sinabi ni Mark na ilang araw nang pabalik-balik sa kanilang tindahan ang matanda para tumingin ng mga damit. Hanggang isang araw nga ay bumalik ito kasama ang anak na si Federico para mabili na ang pangarap na T-shirt ng anak, bilang simpleng regalo.

Photo credit to BIHIS CALLE's Facebook page

Ayon sa kanya, matagal daw pala na pinag-ipunan ng matanda ang perang pinangbili ng T-shirt na diumano ay maraming bata ang nahihilig sa kanilang lugar.

At dahil natuwa sa mag-ama ang may-ari ng shop, binigyan niya daw ang mga ito ng malaking discount para may matira pa silang pangbiling pagkain.

Lubos namang hinangaan ng may-ari si tatay at nagpasalamat na kahit mahirap ang buhay ay bumili pa din ito sa kanyang tindahan.


Photo credit to BIHIS CALLE's Facebook page

Lubos din ang paghangang ipinakita ng mga netizens kay tatay kaya naman inulan ng napakaraming reactions, comments and shares ang naturang post.

Photo credit to BIHIS CALLE's Facebook page


Narito ang nakaka-antig na post, Basahin:

"Maraming bata ang nahihilig sa lokal..

BIGYAN NATIN DISCOUNT YUNG MASIPAG NA TATAY, MABILI LANG ANG GUSTO NG KANYANG ANAK

PAKABAIT KA BATA. NAGSISIKAP SI TATAY MO PARA SAYO.

Ps. Ilang araw na pasilip silip si tatay sa shop,
Nagiipon lang pala
Sakto naman may natira tayong XS na highminds. Para sayo pala yan kid
Salamat sa inyo magama. GodBless

#bihiscalle
#SUPPORTLOCALS
#respectforallfathers"



Source: BIHIS CALLE | FacebookNews5