Dating delivery boy na doble kayod, nakapundar na ng sariling bahay at sasakyan ngayon - The Daily Sentry


Dating delivery boy na doble kayod, nakapundar na ng sariling bahay at sasakyan ngayon



  

Photos courtesy of Facebook @Jay Hernandez


Isang nakaka inspire na kwento ng pagsisikap at tagumpay ang ibinahagi ng isang netizen sa isang trending na Facebook group na Home Buddies, na kanyang kinabibilangan.


Si Jay Hernandez ay nagbahagi ng kanyang kwento ng tagumpay upang magsilbing inspirasyon sa ating lahat at hindi upang magmayabang. Ika nga sa isang kasabihan, libre ang mangarap at lahat ay makakamit lalo pa kapag ito ay sinasabayan ng sipag at tyaga. *


Ayon kay Jay Hernandez, madami na syang pinasok na trabaho, mula sa pagiging isang dating service crew at delivery rider ng Classic Savory restaurant hanggang sa nakapasok din bilang isang crew sa isang international cruise ship.


Ngayon ay masayang binabalikan ni Jay ang alaala ng kanyang pagtitiis hanggang sa maabot na nga nya ang kanyang minimithing na pangarap.


Dati lamang nadadaan-daanan ni Jay ang nag-gagandahang bahay sa Camella homes, at pinangako nya sa kanyang sarili na balang araw ay dito nya gusto magkaroon ng kanyang sariling dream house.


Bukod sa maganda at ligtas ang lokasyon ng nasabing subdivision, ay talaga namang mapapamangha ka sa ganda ng tanawin kung saan makikita mo ang kabundukan ng Mt. Makiling at mga luntiang kapaligiran.


Nagdoble sipag at buong pagti-tyaga na nag apply sa isang cruiseship si Jay, at awa ng Dios ay natanggap sya dito. At unti-unti ay nakapagpundar na sya ng kanyang sariling tahanan kasama ang kanyang mga mahal sa buhay.  *


Photos courtesy of Facebook @Jay Hernandez



"Yung dating pangarap ko na lugar ay ang magiging  tahanan ko na kasama ang aking pamilya." masayang pahayag ng dating delivery rider.

 

Kinagiliwan ng mga netizen ang success story ni Jay at labis silang na-inspire sa kanyang pinagdaanan, Maging ang kanyang mga naging dating mga naka trabaho ay nagpapatunay sa dedikasyon, husay at sipag ni Hernandez. Narito ang kabuuan ng kanyang post:


"Share ko lang po. Walang masamang mangarap. 


         Naalala ko dati nung delivery boy ako sa Classic Savory pag dumadaan ako sa may sto.tomas nakikita ko yung subdivision Camella sabi ko sa sarili ko lagi, grabe ang ganda ng location na ito sobrang ganda ng tanawin, ang ganda ng Mount Makiling. dahil sa sipag at tyaga mag apply sa cruiseship Ayun! Yung dating pangarap ko na lugar ay ang magiging  tahanan ko na kasama ang aking pamilya."  *


Photos courtesy of Facebook @Jay Hernandez