Kakaibang Rating at Review sa Lazada, Pinagkatuwaan at Trending sa Social Media - The Daily Sentry


Kakaibang Rating at Review sa Lazada, Pinagkatuwaan at Trending sa Social Media



Photo credit to Margielyn S. Mariano | Facebook


Hindi mapagkakaila na isa ang Lazada sa pinaka in demand at pinaka-pinagkakatiwalaang online shopping mall sa bansa ngayon. Dahil na rin ito sa napakaraming benepisyo na naibibigay ng online site na ito.

Isa na diyan ay ang 'hassle-free' na pamimili ng mga consumers na talaga namang mas naging mainam ngayong panahon ng pandemic. Para sa mga taong ayaw lumabas at umiiwas sa matataong lugar, napakalaki nga naman ng tulong na naibibigay ng online sites tulad ng Lazada upang kanilang mabili ang mga pangangailagan. Lahat kasi halos ng kailangan natin ay mabibili dito.



Photo credit to Lazada

Nakatutulong din sa mga consumers sa tamang pagpili ng produktong kanilang nais bilhin ang mga 'ratings' at 'reviews' na makikita sa mismong online stores and sites. Dito magkakaroon agad sila ng ideya kung maganda ang produktong nais bilhin depende sa mga iniwang reviews ng mga ibang customers.

At sa usapang 'ratings' at 'reviews', ating balikan ang nakakatuwang Facebook post ng isang netizen kung saan kanyang ibinahagi ang isang kakaibang review na iniwan ng isang customer sa Lazada.

Photo credit to Margielyn S. Mariano | Facebook



Ang rating ay nagpapakita ng magandang review ng isang customer sa nabili nitong sapatos para sa boyfriend. At sa sobrang tuwa daw ng kanyang boyfriend sa kanyang regalo ay nahalikan siya nito. Dahilan kaya niya ibinahagi ang 'special moment' na iyon sa kanyang 'rating' sa Lazada.

Nagkataon naman sigurong nakita ito ng netizen na si Margielyn S. Mariano at sa gulat marahil sa kakaibang rating at review ay ibinahagi niya ito sa Facebook na may 'caption' na "Ano ba to lazada".

Marami naman ang natuwa sa post na iyon ni Mariano kaya mabilis itong nagtrending at umani ng napakaraming reaksyon, comments at shares sa social media.

Narito ang mga comments ng netizens na talaga namang nakakaaliw:


Photo credit to Margielyn S. Mariano | Facebook

Photo credit to Margielyn S. Mariano | Facebook



Photo credit to Margielyn S. Mariano | Facebook

Photo credit to Margielyn S. Mariano | Facebook

Photo credit to Margielyn S. Mariano | Facebook



SourceMargielyn S. Mariano | Facebook