1M Gone! Sikat na Vlogger na si Donnalyn, Ibinunyag kung paano siya na-Scam ng isa ding Vlogger - The Daily Sentry


1M Gone! Sikat na Vlogger na si Donnalyn, Ibinunyag kung paano siya na-Scam ng isa ding Vlogger



Photo credit to Donnalyn | Facebook

Trending at usap-usapan ngayon sa social media ang di umano ay panlolokong sinapit ng sikat na vlogger at social media influencer na si Donnalyn Bartolome sa kamay rin ng isang kapwa niya Youtuber.

Sa kanyang official Facebook page, ibinunyag at ikinwento ng 'social media goddess' ang naging usapan nila ng isang Youtuber, na pinabulaanan niyang pangalanan, kung saan nangutang ito ng 1 million pesos at kung paano siya nito niloko at sinira ang tiwala niya.



Photo credit to Donnalyn | Facebook

Photo credit to Donnalyn | Facebook

Ani Bartolome, nag-message sa kanya ang Youtuber at nanghiram ng perang gagamitin raw nito bilang 'show money' sa bibilhing sasakyan. Dahil may common friends naman sila at nakita raw niyang mukhang may pinagdadaanan ngang problema ang Youtuber, ay walang pagdadalawang-isip na pinahiram naman niya ito, sa pangakong ibabalik din agad ang pera kinabukasan.

Ngunit matapos diumano maipadala ang 1M ay nagmessage ang Youtuber kay Donnalyn, humihingi ng tawad at pang-unawa dahil siya ay raw ay naloko at natangayan ng 4M kasama ang 1M na hiniram sa huli.



Photo credit to Donnalyn | Facebook


Photo credit to Donnalyn | Facebook


Ang masakit pa ay nalaman raw ni Donnalyn na ginagamit ng Youtuber ang kanyang pangalan upang makapangutang rin sa iba. Kaya naman nagdesisyon ang sikat na vlogger na i-post ang panloloko sa kanya upang magbigay ng babala sa iba na maaari ring maging biktima ng nasabing Youtuber.

"Utang na 1 Million, gone just like that. This guy is not the only one na nakautang saakin but he is using my name to fool people into lending him money kasi kung pinagkatiwalaan ka nga naman ni Donnalyn diba? I'm posting to say nagkamali ako. Wag kayo paloko." sabi ni Donnalyn.




Photo credit to Donnalyn | Facebook

Photo credit to Donnalyn | Facebook

Dagdag din niya na pinagkakalat pa ng mismong Youtuber sa iba na nakautang ito sa kanya at nakiusap na tigilan na ang paggamit ng pangalan niya para sa pera.

Basahin ang full post:

"Gandang birthday gift saakin. Utang na 1 Million, gone just like that. This guy is not the only one na nakautang saakin but he is using my name to fool people into lending him money kasi kung pinagkatiwalaan ka nga naman ni Donnalyn diba? I'm posting to say nagkamali ako. Wag kayo paloko

Kaya sa mga nagmemessage saakin na mutual friends. This is what happened to me. Worse is he lied to me about what he's going to use the money for at pinagkakalat pa niya na nakautang siya saakin. Anong trip mo.
Tigilan niyo kakagamit sa name ko to ask other people for more money. 
#LODz
#ShowMoney"