Isaw vendor na gustong bumili ng motor, pinagtatawanan umano ng kanyang mga kapitbahay - The Daily Sentry


Isaw vendor na gustong bumili ng motor, pinagtatawanan umano ng kanyang mga kapitbahay



Ang pagiging vendor o pagtitinda ng kahit na anong bagay na may pakinabang ay hindi dapat ikinakahiya dahil ito ay marangal na hanap buhay.

Sa hirap ng buhay na kinakaharap natin lalo na ngayong panahon ng pand*mya ay ma-swerte ka na kung kumikita ka ng above minimum wages.
Photo credit: Aga Ambita

Hindi kaiila sa atin na madalas maliitin ang mga vendor dahil ang tingin ng iba ay maliit lamang ang kanilang kinikita. Ang hindi alam ng marami, minsan ay mas malaki pa ang kinikita ng mga ito sa araw-araw.

Katulad na lamang ng isang fried isaw vendor na kumikita ng dalawang libo mahigit sa isang araw.

Sa Facebook post ng netizen na si Aga Ambita, ibinahagi nito ang usapan ng fried isaw vendor at isang netizen.
Street food / Photo credit to the owner
Street food / Photo credit to the owner

Kwento ni Ambita, nakita raw niya ang vendor na binigyan ng pagkain ang mag-inang pulubi kaya napabili na rin siya ng isaw.

Habang binibilang ng vendor ang kanyang kinita ay may lalaking nagtanong kung magkano na raw ang kita nito.

Sumagot ang vendor ng, “sir ito po mga 2.4k nag simula lang ako ng tanghali.

Nanlaki raw ang mata ng lalaki sa kanyang narinig.

Kwento ng vendor, nag-iipon raw siya dahil plano niyang bumili ng motor.
Street food / Photo credit to Dreamstime
Street food / Photo credit to GMA News 

Aniya, pinagtatawanan pa raw siya ng kanyang mga kapitbahay dahil hindi sila naniniwala na kaya niyang makabili ng motor.

Dagdag pa niya, imbes na damdamin ang panlalait ng kanyang mga kapitbahay ay mas lalo pa siyang na-challenge.

Sabi ko  sarili ko nachallenge ako sa kanila. Kung damdamin ko sinasabi nila bibigat lang dibdib ko. Saka hindi nman nila ako pinapalamon,” sabi ng vendor.

Sumabat na rin si Aga sa usapan ng vendor at ng lalaki at sinabing, “alam mo ba kuya malaki pa kinikita mo karamihan ng naka kurbata at maporma sa Makati. Tapos wala ka pa 5 hrs nagtinda. Wala ka po boss. hawak mo pa oras mo.”

Sagot naman ng vendor, na-inspire lang daw siya sa isang kwek-kwek vendor na ngayon ay may sariling kotse at mga motor.

Sa ngayon ay mayroon ng 7.8k reactions at 6.8k shares ang post ni Aga.

Basahin ang buong post sa ibaba:

“Si kuya na naka black sando nakakatuwa sya.

Una napabili ako sa kanya kasi nakita ko na binigyan nya ng pagkain ung mag-inang pulubi.
Photo credit: Aga Ambita

Tapos mayamaya naglabas sya ng pera mga tig 500 at makapal na tig 100 pesos at ibang bills. binibilang nya ung kinita nya. Nagtanong yung isang lalake.

lalake - brad yan na kinita mo?

Kuya - oo sir. Hiwalay ko na lang tubo. 

Lalake - magkano yung sayo Jan?

Hiniwalay ni kuya puhunan nya mga 3k ata yun

Kuya - sir ito po mga 2.4k nag simula lang ako ng tanghali.

Lalake - (nanlaki ang mata)

Kuya - pambili ko po ng NMAX pinagtatawanan ako ng mga kapitbahay namin nagtitinda lang daw ako tapos bibili ako ng motor. Sabi ko  sarili ko nachallenge ako sa kanila. Kung damdamin ko sinasabi nila bibigat lang dibdib ko. Saka hindi nman nila ako pinapalamon.

Me - alam mo ba kuya malaki pa kinikita mo karamihan ng naka kurbata at maporma sa Makati. Tapos wala ka pa 5 hrs nagtinda. Wala ka po boss. hawak mo pa oras mo. 

Kuya - "na inspired lang po ako sa kanya" (sabay turo dun sa katabi nyang kwek kwek vendor). "Meron na sya kotse at madaming motor yan lang ang negosyo nya." 

Me - sinawsaw ko ung fried isaw sabay subo. yum yum

Nice kuya. 

Wala lang baka lang mapaisip kayo.

Profit is better than wages.

*need ko takpan ang face ni kuya for his privacy.”


***