Pinakamamahalin na sinampay, anniversary gift ng isang mister sa kanyang may bahay - The Daily Sentry


Pinakamamahalin na sinampay, anniversary gift ng isang mister sa kanyang may bahay



 


Screencap photos from Tiktok @Sanchikz


Kahit sino marahil ang utusang kumuha ng sinampay ay tiyak na sisipagin at gaganahan basta makitang tumataginting na 200K na tig-iisang libo ang iyong mga sinampay.

 

Nagviral ang videong ito na ibinahagi sa Tiktok ng netizen na si Sanchikz, at ngayon ay umaabot na sa 1.1 million views ang nasabing video. *


 

Ayon sa uploader ng video, nais nyang sorpresahin ang kanyang may bahay sa kanilang 13th wedding anniversary at talaga namang napasaya nya ng husto ang misis.

 

“Gusto ko lang talaga pasayahin at maging memorable ’yung 13th anniversary namin ng wife ko. Kung tutuusin, kulang pa po ’yan binigay ko sa lahat ng sakripisyo at pagmamahal niya samin at ’di talaga matutumbasan ng pera ’yun,” pahayag ni mister sa panayam sa kanya ng The Philippine Star.

 

Nais ni mister na masuklian naman ang pagod, sakripisyo at pagmamahal na ibinubuhos ng kanyang misis sa kanilang pamilya.

 

Kaya naman nag-isip si mister ng magandang paraan kung saan ay masu-sorpresa nya ang kanyang kabiyak at hindi naman siya nagkamali sa naging desisyon.

 

Makikita rin sa video sa Tiktok kung paano nya ito masusing binuo ang tig-iisang libo at inilatag sa isang plastic cover na nagmistulang kortina na nakasamapay. *

 

Screencap photos from Tiktok @Sanchikz


“Iba talaga kapag ikaw gumawa eh, effort. Mahal naten eh. Nanakit nga likod ko but ok lang para naman sa mahal ko,” dagdag pa nito.

 

Bukod pa dito, kinutsaba nya rin ang kanilang anak kung nasaan ang kaniyang mama, upang maisagawa ang kanyang pasurpresa.

 

Noong una ay nais nya itong ikumot sa kanyang misis habang natutulog para pag gising nito ay magugulat ito sa mamahalin nyang kumot.

 

Ngunit dahil sa sobrang excited na si mister ay naisipan na lang itong gawing sinampay dahil tamang-tamang umuulan nung gabing iyon.



“Pag-uwi ko galing sa shop ni-ask ko muna anak ko kung nasaan ’yung mama nila, sabi naliligo. Ayun dali dali akong umakyat sa rooftop. Ikukumot ko nga sana ’yun kinabukasan sa kanya habang natutulog but excited eh. Sinampay na lang. Basta can’t explain na-excite lang talaga nang sobra,” ani pa Sanchikz sa panayam sa kanya.


 

Sobrang nag-trending ito sa social media at maging laman ng mga balita. Marami ring kinilig at napa sana all sa anniversary gift ni Mister sa kanyang may bahay. *


Screencap photos from Tiktok @Sanchikz