The Daily Sentry: viral
Showing posts with label viral. Show all posts
Showing posts with label viral. Show all posts

AJ Raval, hindi kabet! Usapan nila ni Kylie Padilla, ibinida ng sexy star sa mga buma-bash sa kanya.

1:22 AM
Supalpal ang inabot ng mga basher ng sexy star na si AJ Raval matapos nitong isapubliko and convo nila ng ex-wife ng kanyang boyfriend na si Aljur Abrenica.

Isang screenshot ng pag-uusap nila ni Kylie Padilla ang pinangresbak ni AJ sa mga netizens na walang tigil na tinatawag siyang kabet at maninira ng pamilya.




Ito ay ibinahagi ni AJ sa isang Facebook post noong February 23. Narito ang mga nilalaman ng kanilang pag-uusap:

AJ: Nag post na ako ng video namin ni aj, I do respect you pero gusto ko na lang din manahimik mga tao and tigil na sila sa kakahuli saamin nanawa na rin ako hehe. I hope everything is fine.

Kylie: Ok naman ikaw? It’s fine ano ka ba. Wala namang issue sakin. Di naman ikaw ang naging problema namin sa relationship namin before. Di ko rin alam paano gagawin sa sitwasyon. Pinaliwanag ko naman na sa mga tao na hindi ka 3rd party. Hay.”

AJ: Okay ako. Yes yes. Salamat sa pagpapaliwanag. Na appreciate ko yon. At humihingi rin ako ng pasensya sa sayo sa inyo sa na cause ko na gulo. Thank you sa understanding. Can I follow you?

Aj Raval | Facebook


Kylie: Magulo na kami before pa ng lahat eh. Magulo lang talaga. Bka may way para maipakita natin na ok naman na ang lahat. Mag iisip ako ng paraan. Kasi ayoko din yung nangyayari. Nag cacause ng stress of both sides na pwede naman maging ok tayo. Gusto ko mag thank you na inalagaan mo mga babies ko. it means everything na minamahal mo rin sila.


Aj Raval | Facebook



Aj Raval | Facebook



Si Aj Raval na may tunay na pangalan na Janina Carly Buenoso ay ipinanganak noong September 30, 1995. Isa siyang kilalang Filipino sexy actress, Gaming content creator, at social media personality.
 
Siya ay anak ng sikat na action star na si Jerich Raval. Nakilala ng husto si Aj matapos itong lumabas noon sa FPJ's Ang Probinsyano at ngayon ay isa na sa mga bituin ng Vivamax.

Aj Raval | Facebook

Aj Raval | Facebook


Singer na si Kris Lawrence, dinepensahan si Alex Gonzaga: "And it’s not like his life is in danger cuz of some cake on the face"

7:34 PM




Bumuhos ang mga batikos sa social media star at TV personality na si Alex Gonzaga kasunod ng pagkalat ng video kung saa’y   naging bastos umano ito nang pahiran niya ng icing ng cake sa mukha ang waiter na nagsilbi sa kanyang birthday celebration.
 
Marami ang nadismaya sa naging asal ni Alex ngunit may ilan din naman na dumepensya para sa kanya.

 
Isa na dito ang singer na si Kris Lawrence, na kinainis naman ng mga netizens ang tila todo-depensa nito kay Alex.
 
Habang inuulan ng pagkondena ang inasal ni Alex ay naniniwala naman si Kris na puro nalang negatibo ang nakikita ng mga tao sa nangyari.




 
“People always have something negative to say. Let’s fast forward and after this event that waiter just went viral will probably get ‘somehing’ after and a LOT of sympathy, Most recognition he ever got as a waiter,” ayon sa singer
 
 “So after all the noise, I’m sure he will be grateful that this happened. Looks like people just like to extract the negative out of things instead of positive.”dagdag pa ni Kris
 
Ang naging pahayag na ito ng singer ay di rin kinatuwa ng mga netizens dahil tila mas gusto pa niyang magpasalamat ang waiter na nangyari ito dahil sa atensyon na nakuha niya.*
 
Ayon pa sa isang netizen, “napaka-out of touch” umano sa layo ng simpatya sa sangkot na waiter ng sinabi ni Kris.
 
“1. “Most recognition he ever got as a waiter”?????? 2. “Im sure he will be grateful that this happened” ?????? OKAY WOW THIS IS JUST SO OUT OF TOUCH. Iba talaga pag privileged pwedeng apak-apakan ang mga tao 👏🏼👏🏼👏🏼,”  tirada ng netizen
 
“Yup. After all this controversy and noise is out of the way. Just watch,”  agad namang sagot ni Kris
 
Mayroon pang isang Instagram user na di makapaniwala na parang minumungkahi pa ng singer na tama ang ginawa ni Alex sa waiter.
 

“She was clearly tipsy and it all comes down to intention. She was probably trying to have ‘fun.’ It’s how each one perceives it. For all we know she probably already said sorry. I’m not justifying her actions, but I just don’t agree with everyone making it such a negative thing. It will all turn out Great though – that, I’m sure of. When he goes to work tomorrow…he’ll be ‘the man.’ And it’s not like his life is in danger cuz of some cake on the face,” paliwanag naman ni Kris sa kanyang mga naging pahayag
 

Pamilyang nakatira sa ilalim ng tulay, sinaklolohan ni Whamos! Bahay, gamit at groceries, ipinangako ng vlogger.

10:15 PM
Sa kanyang pinakabagong vlog, ibinahagi ni Whamos Cruz ang kanyang pagbisita sa isang pamilya na nakatira sa ilalim ng tulay sa Mendez, Cavite.

Sa tabi ng malalim na bangin kasama ang kanilang tatlong anak ay halos isang taon ng naninirahan sa ilalim ng tulay ang kawawang pamilya. Wala silang kuryente at tubig, natutulog lamang sa malamig na bato gamit ang manipis na kutson.




Ume-extra ng paglalaba at pagpa-plantsa ang butihing ina na si Me-an habang ang asawa naman nito ay namamasukan bilang janitor sa isang eskwelahan.

Delikado ang lagay ng pamilya dahil sa isang maling pagkakamali lang ng mga ito, lalo na ng mga bata ay maari silang mahulog sa malalim na bangin. Tanging ang manipis na kahoy lang ang nagsisilbing harang nila dito.

Whamoscruz | Facebook

Whamoscruz | Facebook


Dahil hindi sapat ang kita ng mag-asawa, hindi na nila iniisip pa na mangupahan dahil kung gagawin nila ito ay maaaring wala ng matira sa kanila na pangkain.

Batid ni Whamos ang hirap ng sitwasyon ng pamilya dahil siya mismo ay nakaranas ng pagtitiis, dumudumi pa nga raw ito noon sa kanal dahil wala silang sariling palikuran.

Mula raw ng mapanood niya ang estado ng mga ito sa isa pang vlogger na si Kuya Leo Cares ay kaagad na nitong pinlano ang pagtulong sa pamilya.

Whamoscruz | Facebook

Whamoscruz | Facebook


Dali-dali itong bumyahe mula Maynila patungo sa Cavite upang personal na iabot ang kaunting tulong at ihatid ang magandang balita kila aling Me-an.

Agad na binigyan ni Whamos ng makakain ang pamilya at binigyan ng limang libong piso para panggastos.

Matapos ang maiksing panayam ay hindi na ito nag atubili na alukin ang pamilya na lisanin na ang delikadong lugar at tumira sa mas maayos na tahanan.

Whamoscruz | Facebook

Whamoscruz | Facebook


Sasagutin na daw nito ang isang taong bayad sa upa kasama na ang pagbili ng ilang kagamitan tulad ng electric fan at groceries para sa pang araw-araw ng pamilya.

Laking pasasalamat naman ng mga ito sa biyayang natanggap mula sa vlogger sa pinangako nitong bagong buhay at bagong pag-asa para sa kanila.

Plano pa nitong bilhan ng mga bagong damit ang mag-anak nang sa gayon ay mas maayos nilang haharapin ang kanilang bagong panimula.

Lumisan si Whamos at iniwanan ang pamilya na may ngiti at baon baon sa kanilang puso ang pag-asa. Ang pangarap na makatakas sa madilim at malamig na ilalim ng tulay kung saan nagtiis silang manirahan ng pitong buwan.

Whamoscruz | Facebook

Whamoscruz | Facebook




Lumang de-keypad na cellphone, gamit ng isang estudyante para maka-selfie ang kanyang teacher.

12:54 AM
Marami ang na-touch sa tagpong ito kung saan isang grade 7 student ang nagpakuha ng litrato sa kanyang guro gamit ang kanyang lumang modelo ng selpon.

Mismong ang kanyang teacher na si Mark Anthony Tumbaga pa ang nagbahagi sa publiko ng bidyo ng pangyayaring ito sa kanyang social media account na TikTok.




Mapapanood sa video na in-upload ng guro ang paglapit ng kanyang estudyante habang sila'y nasa silid-aralan.

Masaya itong humiling sa guro ng selfie pic na walang atubili namang pinagbigyan ng kanyang maituturing na pangalawang magulang.

"Grade 7 students gustong magpapicture using di-keypad. Ayus lang nak," ani Mr. Tumabaga.

Sa dami nga naman ng mga mag-aaral ngayon na high-tech na ang mga gamit na cellphone ay natatangi ang pagmamay-ari ng estudyante na ito.

NUNAL KING PH

NUNAL KING PH


Kahit naman mumurahin ay tiyak na magagamit naman ang ganitong klase ng selpon para sa komunikasyon.

Pero hindi pa rin maihahambing sa ibang mga mamahaling cellphones na pwedeng magamit ng mga estudyante sa pagre-research at pag-edit ng mga projects.

Gayunpaman, matapos makapagpakuha ng litrato sa kanyang guro ay kitang-kita naman sa mga ngiti ng pobreng estudyante ang nadama nitong kasiyahan.

NUNAL KING PH

NUNAL KING PH


Ipinakita rin sa in-upload na video ni sir Mark ang resulta ng kanilang selfie na nakapagdagdag kiliti pa sa mga libu-libong netizen na napukaw ang damdamin sa tagpong ito.

"Yun lang kalahati ng muka ko nakuha" pabirong sabi ng guro.

Kahit na malabo o blurred ang kuha nila ang importante daw ay nakita niyang masaya ang estudyante niya.

Hiling naman ng mga netizens na sana'y mabiyayaan ng mas makabagong cellphone ang bata ngayong sasapit na kapaskuhan.

NUNAL KING PH


Mark Anthony Pi-is Tumbaga | Facebook



Isang lalaking customer sa drive thru ng fast food, pinaulanan ng mura ang babaeng manager: Mystery shopper daw

1:44 AM





Agad na nag viral ang isang video kung saan ay pinaulanan ng mura ng isang kostumer ang manager ng isang fast food chain.

 
Sa video ay nagalit ang lalaking kostumer nang pakiusapan siya ng empleyado na umabante muna dahil pitong minuto pa ang aantayin para sa kanyang order na pagkain at para maserbisyuhan ang iba pang nakapila sa drive thru.


 
Kapansin-pansin na malumanay na sumasagot at nagpapaliwanag ang manager sa lalaki na ise-serve na lang sa kanya ang order kapag ready na ito, ngunit galit na galit agad na sumagot ang kostumer.

 
Panay mura ang natanggap ng babaeng manager mula sa lalaki at pinagbantaan pa ito na matatangal ito sa trabaho kinabukasan.

 



“Tanggal ka na bukas. Drive thru to, bakit mo ako papunpuntahin don?” ayon sa lalaki na sinagot naman ng manager na 7 minuto pa bago lumabas ang order nito

 
“Ggo ka. Nagda-drive thru kayo papupuntahin mo ako doon?! Sa sampung order ko papunpuntahin mo ako don? Alam mo magkano gasolina? Nag-iisip ba kayo? Ggo ka. Manager ka? Kausapin mo mga tao mo ha. Kung wala kayong drive thru, patanggal n’yo na ‘to,” sagot naman ng lalaking nasa kotse *

 
Sa kada mura na ibabato ng kostumer ay “thank you” naman ang sagot ng babaeng manager at nangako na bibigyan nalang niya ng feedback ang kanyang mga crew.

 
Hiningi din ng lalaki ang calling card ng manager ngunit first name lang daw ang maaaring ibigay nito dahil na rin sa data privacy act.

 
Sa bandang huli ay nagpakilala ito na isa siyang mystery customer at pinangaralan ang manager na huwag nang paatabihin ang drive thru customer sa kalsada dahil hindi ito pag-aari ng fast food.

 
Bago umalis ang lalaki ay binalaan pa nito ang manager na kalmado pa rin hanggang sa huli na maghanap na ito ng trabaho kinabukasan mismo.




 
Maraming netizen ang galit na galit sa lalaki dahil sa pinakita nitong kayabangan at kung paan nito trinato ang babae.
 


Hinangaan naman ang manager dahil sa kanyang pagiging kalmado at professional habang kausap ang kostumer.
 
 

Modelong si Kat Alano sa pagkaka-aresto kay Vhong Navarro: "After 17 years...Finally a glimpse of justice"

12:41 AM
Mga larawan mula sa Instagram




Ilang oras matapos sumuko ang TV host na si Vhong Navarro sa National Bureau of Investigation matapos ilabas ng Taguig Metropolitan Court ang warrant of arrest laban sa kanya dahil sa acts of lascivi0usness na inihain ng modelong si Deniece Cornejo, ay di napigilan ng dati ring modelo at video jock na si Kat Alano na mag-react.

 
Ayon kay Alano, sa wakas ay nakita na rin niya ang sulyap ng hustisya sa bansa.

 
“After 17 years... Finally a glimpse of justice. People still thinking it’s all about money and attention. What if you were fed lies by the people who had power, and you ACTUALLY c0ndemned the victim?” ani Alano sa kanyang tweet

 
“Think about what you did to her if that was the truth,” dagdag pa ng dating modelo at VJ


Dating Modelo at VJ na si Kat Alano | Larawan mula sa kanyang Instagram


 
Sa isa pa niyang tweet, sinabi ni Alano na may tao umano na gumagamit ng pangalan ng Diyos para masabing inosente ito, sinundan niya ito ng hashtag na #rhymeswithwrong.

 
“I can finally feel peace today. God is good all the time. Justice, finally, after 17 years,” dagdag pa ni Alano sa isa pa niyang tweet.*

 
Ayon sa abogado ni Navarro na si Alma Mallonga, nakapag piyansa ang TV host para sa naunang warrant na ng kaso niyang acts of lascivi0usness nitong Lunes ngunit lumabas naman ng Martes ang ikalawang warrant kay Navarro para sa kasong r*p3, kaya agad din uli itong sumuko sa NBI.

 
Ang ikalawang kaso na inihain sa aktor ay walang piyansa kaya nananatili itong nasa kustodiya ng mga awtoridad simula Martes.


Mugshot ni Vhong Navarro | Kuha mula sa NBI


 
Sinabi din ng legal counsel ni Navarro na isusulong ng kanilang panig ang petisyon para sa piyansa nito.

 
"Navarro has voluntarily surrendered also in connection with the r*p3 complaint, and he is currently detained. Under the laws and the procedure, he will continue to be detained until bail is granted to him. That will require the petition for bail to be filed, and we will do it immediately. Our first and foremost duty, I think, in this case, is to set Mr. Vhong Navarro free on bail,"  ani Mallonga


Dennis Padilla sa naging hiwalayan nila ni Marjorie Barreto noon: "I'm the one to blame"

1:24 AM





Noong taong 2021 ay nagsalita ang dating asawa ni Majorie Barreto at aktor na si Dennis Padilla tungkol sa kanilang paghihiwalay na ayon naman sa huli ay kasalanan niya.

 
Ang pag-amin na ito ni Dennis ay kanyang ginawa sa isang vlog noon ng panganay na anak niyang si Julia Barreto.


 
Kabilang sa mga dating magkarelasyon sa Philippine Showbiz Industry sina Marjorie at Dennis at taong 1997 nang magpakasal ang noo’y magkasintahan.

 
Si Marjorie na may isang anak sa dati niyang karelasyon samantalang si Dennis naman ay kasal na umano noon ngunit hindi opisyal – ang dalawa ay nagmahalan at bumuo ng pamilya.





 
Ang pagsasama nina Marjorie at Dennis ay nagbunga ng tatlong mga anak na sina, sina Julia Barretto, Claudia Barretto, at Leon Barretto.

 
Naghiwalay ang dalawa noong 2007 at ang kanilang mga anak naman ay nanatili sa poder ni Marjorie. 

 
May mga isyu na bumabalot sa hiwalayan nina Dennis at Marjorie, kabilang na ang third party umano sa panig ng aktres, bagay na itinanggi naman ni Marjorie sa isang panayam noon sa The Buzz, isang taon makalipas ang kanilang paghihiwalay.*

 
Ayon umano noon kay Marjorie, may nagawa si Dennis na hindi na kalianman mababago. Humingi rin si Marjorie ng tawad sa ama ng kaniyang mga anak na humantong sa paghihiwalay ang kanilang pagsasama.

 
Sa panayam ni Julia sa ama sa pamamagitan ng kanyang vlog ay sinabi ni Dennis na siya ang may pagkukulang sa naudlot nilang relasyon ng dating asawa. 

 
Inamin ng aktor at komedyante ang kanyang mga pagkakamali nang tanungin siya ng kanyang anak tungkol sa kanyang greatest takeaway mula sa paghihiwalay nila ng kanyang ina.

 
“I’m the one to be blame. Walang kasalanan ang nanay mo,” ani Dennis

 
Sinabi ng aktor na humantong sa paghihiwalay ang kanilang pagsasama ni Marjorie dahil sa kanyang ugali.




 
Kasunod naman ng pag-amin ni Dennis sa kanyang pagkukulang ay nagpahayag si Marjorie ng pagkagulat sa ginawa ng dating asawa.*

 
Hindi daw niya naisip na darating ang araw na magsasalita si Dennis para akuin ang kanyang mga pagkakamali sa kanilang relasyon.

 
“I never thought the day would come that he would say na may kasalanan din siya sa breakup namin, sa breakdown ng marriage namin,” ayon kay Marjorie sa isang panayam sa vlog ni Toni Gonzaga noong May 16, 2021.

 
Nilabas ng aktres ang kanyang nararamdaman tungkol sa mga naging usapan ng mag-ama.

 
“For a long time, I was wondering. I know that I forgave him over and over again, so I was wondering why he didn’t remember me as a good wife, or why wasn’t he spending that much time with his kids,” saad pa ni Marjorie


 
Nilinaw din ng akres na hindi umano niya hinihikayat ang kanilang mga anak na huwag makipag bonding o makipag usap sa kanilang ama.

 
“People misjudged me, thinking I was encouraging my kids not to have a relationship with their father. As a matter of fact, even Dennis thought for a long time that I was the one preventing him from seeing my kids,” ayon pa sa aktres
 
Sa kasalukuyan ay muli na namang naging tampok sa mga headlines ang mag-ama na Julia at Dennis.
 


Julia Barreto umamin na hindi nga sila nag-uusap ng amang si Dennis: "I just want to kind of huminga lang muna from that cycle"

5:03 AM

Mga larawan mula sa Google (ctto)





Inamin ng aktres na si Julia Barreto sa isang panayam kay Karen Davila na sila ay hindi na nag-uusap ng kanyang ama na si Dennis Padilla.

 
“I’ll be very honest. We have not spoken and it’s because there’s just so much fear inside me. I’m just really scared,”  ang hayagang pag-amin ni Julia


 
Pinaliwanag ng anak ni Marjorie Barreto na naging cycle na ng relasyon nilang mag-ama ang pag-aayos at kalaunan ay magkakasakitan na naman muli. Gusto muna ni Julia na huminga muna sa gaanong sitwasyon.


Larawan mula sa Showbiz Chika


 
“And you know, I just want to kind of huminga lang muna from that cycle,” ani Julia

 
Ngunit aniya, patuloy niyang pinagdadasal na magkaayos sila muli ni Dennis sa tamang panahon.

 
Ayon pa sa aktres, hindi naman pagpapatawad ang dahilan kung bakit hindi sila nagkakaayos ng ama, kundi ang kalimutan ang mga masasakit na mga pangyayari 

 
“I think it’s not difficult for us to forgive. But it’s difficult to really just… It’s not the forgiveness, it’s to forget. It’s also just, there’s a lot of fear because I don’t know what’s gonna happen. But forgiveness, of course, definitely. *

 
That’s for my own peace of mind, di ba?  Hindi ko ipagkakait ang forgiveness but I’m just not that ready. There’s just been so much pain over the years since I was young. So parang I got tired of the same thing.”

 
Giniit ni Julia, kailangan niya ng higit na pagmamahal at proteksyon mula sa ama. 





 
“Sa commandments… no matter what happens, they’re your parents. And I always ask God, actually, I say: ‘You know God, I know a parent is a parent and I’m only just a child but at the same time saan yung boundary na a child is also allowed to get hurt and have their own pains?’”

 
“I just need more love from him. More love, more protection. I just feel like he should be my number one protector and that’s not really what I’m getting right now from him. So it does hurt because dapat siya yung tinatakbuhan ko, di ba? But it is sad that I can’t. So I pray for it.” Ayon pa sa 25-taong gulang na aktres*

 
Sinabi din ni Julia na sinubukan naman ni Dennis na makipag-ugnayan sa kanya, ngunit sadyang hindi pa umano siya handa na kausapin uli ito at ayaw rin niyang pilitin ang sarili.

 
“Because if you force yourself then it’s not genuine, hindi siya totoo,” ani Julia

 
“So I want to get to a point na, you know, when we speak it’s when I’m ready. It’s just over the years, it’s been the same conversation.” Dagdag pa nito

 
Binanggit din ng aktres ang naging viral na post noon ng nakababatang kapatid na si Leon na patungkol sa kanilang ama at ayon sa kanya, nasaktan siya sa nangyari ngunit hindi na siya umiyak.

 
“I think it was because it wasn’t new. But it was more like pain because before it used to be just between my dad and I. And now it was between my younger brother and my dad. And it’s painful because sometimes kung pwedeng sa akin na lang yung all the pain, if I could just spare my siblings from some traumas from certain conversations,” paliwanag ni Julia


 
Proud din umano siya sa kapatid na si Leon dahil matapang ito at todo protekta sa kanilang magkakapatid. 

 
Nang tanungin kung possible pa bang magkaayos silang mag-ama, positibo naman ang sagot ng aktres na mangyayari ito.
 

Perang nagkakahalaga ng P484K na nahulog at nilipad sa kalsada nang hindi namamalayan, dinampot ng mga kasunod sa daan

3:21 AM





Sa Tuguegarao City, isang manager ng car company ang nanawagan na maibalik ang pera na nahulog sa kalsada noong nakaraang Agosto 31.

 
Ayon sa ulat ng ABS CBN, nangyari ang insidente bandang 10:40 ng gabi, katapusan ng Agosto habang binabaybay ng kotseng lulan ang kanilang secretary ang kalsada sa Barangay Carig Norte.


 
Habang nasa daan ay nalaglag umano ang pera ng di namamalayan mula sa plastic bag kung saan nakalagay ang cash na umabot ng P484,000 at mga tseke.

 
“Ewan ko kung paano nahulog dun sa kotse, siguro nakalagay sa dashboard ganun o ano, tapos open air,” ayon sa salaysay ng manager na si Manuel Balisi.




 
Matapos ang pangyayari ay agad naman daw itong naireport sa mga pulis upang matulungan silang hanapin kung sino man ang nakapulot ng pera.

 
Samantala, sa kuha ng CCTV sa barangay hall ng Carig Norte, makikita na may isang puting truck na huminto at may tatlong lalaki na lumabas na pumulot sa tila nagkalat na pera sa daan.

 
Sa ulat ng ABS CBN noong nakaraang linggo at tila wala pang nagsasauli ng perang nawawala mula sa kumpanya.*

 
“Wala pa nga po. Hindi namin maano ‘yung sa CCTV kasi blurred. Kaya hindi namin alam kung paano marerekober. Problema namin paano na. Sigurado ipapabayad sa amin ‘yun,”  ayon kay Balisi

 
Upang maresolba ang pangyayari ay magbibigay umano ng pabuya ang kumpanya sa sinumang makakapag balik ng pera o makapagbibigay ng impormasyon tungkol mga lalaking nakapulot nito.

 
Maaari rin umano na hindi residente ng Cagayan o Tuguegarao ang mga sinasabing nakakuha sa pera naka-jackpot dahil sa laki ng halaga nito.




 
Ang kalsada kung saan nahulog ang malaking halaga ay dinadaanan at tinitigilan ng mga biyahero na mula sa ibat-ibang panig ng Luzon.


 
Sana ay may mabuting kalooban ang mga taong nakapulot ng P484k at ito ay isauli sa may-ari na naghihintay na maibalik ito at malamang ay abot langit din ang dasal.
 
 

Sino nga ba si Halina Perez sa totoong buhay at ano ang kalunos-lunos na sinapit ng noo'y sikat na aktres

1:11 AM
 



Marahil ay marami pa rin ang nakakaalala sa yumaong sexy actress na si Halina Perez o Vanessa May Ann Uri sa tunay na buhay na maagang yumao sa edad na 22, dahil sa isang aksidente sa daan noong Marso 4, 2004.

Sikat na sikat na sana noon si Halina at nakatakda pa lang na ipalabas ang kanyang pelikula bago mangyari ang sakuna.

Ngunit sino nga ba si Halina sa totoong buhay at sa likod ng kamera?


Isang artikulo sa Philippine Star na nilathala noong March 6, 2004 na sinulat ng batikang kolumnista na si Butch Francisco ang nagbigay daan para makikilala ng publiko si Halina.

Ayon kay Butch, nagkaroon umano siya ng pagkakataon na makausap si Halina dahil ito ay naimbitahan para sa isang episode ng Startalk. At sa kanyang pagkakaalala sa aktres, napaka mahiyain daw nito at talagang napaka-ganda.





"As soon as I got inside the vehicle, I saw for the first time how Halina looked like. Whoever thought of naming her Halina couldn’t have chosen a better name – I said to myself. Truly, her face was what you’d call in the vernacular as kahali-halina. Hers was one of the most beautiful Asian faces I’ve ever seen." Ayon sa salaysay ni Butch sa kanyang artikulo 

"My first impression of her was that she was painfully withdrawn and shy." Dagdag pa ng kolumnista

Dahil nag stopover para magkape patungo sa Laguna Provincial Jail kung saan naka-piit ang ama ni Halina, para sa reconciliation episode ng mag-ama ay naka-kwentuhan ni Butch si Halina sa unang pagkakataon.

Ayon dito, nang maghiwalay ang kanyang mga magulang noong siya ay apat na taon pa lamang ay naghati ang mga ito sa kustodiya nila ng kapatid at siya ay napunta sa kanyang ama.

Wala daw itong permanenteng hanap-buhay at hindi siya kayang tustusan. Kalaunan pa ay nagkaroon din ito ng bagong kinakasama.


Halina Perez at ang kanyang lola



Nang maging malinaw na hindi siya kayang suportahan ng kanyang ama, kinuha daw siya ng kanyang lola at ito na ang nagpaaral sa kanya na dating school teacher.

At ang kanyang ina naman ay nagkaroon ng din ng ibang pamilya at dalawang anak sa bagong asawa. Gayunpaman, buong puso daw siya nitong tinanggap nang siya ay umalis sa poder ng kanyang lola, dala na rin daw ng sobrang higpit nito sa kanya.

Ngunit, tila himala daw na nagkabalikan pa ang kanyang mga magulang at nagkaroon pa nga ng isang anak na lalaki.

Nagkaroon man ng pagkakataong mabuo muli ang pamilya ay muli itong sinubok at sa ikalawang pagkakataon ay naghiwalay muli ang mag-asawa.





Nasangkot din sa iba't-ibang gulo ang tatay ni Halina at nakulong ito, nakalaya matapos ang ilang buwan ngunit mula na namang bumalik sa rehas dahil sa mas mabigat na kaso.

Kabado daw noon si Halina habang papalapit na provincial jail kung nasaan ang ama at nais pa ngang mag-backout at bumalik nalang sa Maynila, ngunit huli na.

Matapos huminga ng malalim ay lakas loob itong lumabas ng sasakyan patungo sa amang naghihintay na din sa kanya.

 Dalawang taon na ang nakakalipas nang huli silang magkita na mag-ama kaya naman ang pagkikita nila ay nagpaluha sa mga taong naroon nang araw na iyon. Ayon pa sa ama ni Halina, matagal na niyang napatawad ang kanyang anak. Sa katunayan nga ay proud siya sa nakamit na katanyagan ng anak.
Ani Butch, bumili pa siya ng buco pie noon para kay Halina pagbalik nila ng Manila at panay pa ang pasasalamat ng mahiyaing aktres sa kanya.

Sinabi pa daw niya kay Halina na huwag siyang kakalimutan nito pag ito ay sikat na sikat na. At matapos nga ang ilang taon ay namayagpag ang pangalan ni Halina. Ngunit hindi rin ito nagtagal matapos ang malagim na aksidente.

Ayon pa kay Butch habang sinusulat ang kanyang artikulo, nagpapalano siyang bumalik ng Laguna upang magbigay ng huling paalam kay Halina, ngunit malungko na byahe na sa pagkakataong ito, dahil wala na siyang bibigyan ng buco pie.


Binawian ng buhay si Halina dahil sa matinding pinsala sa ulo matapos na mabangga ang kanyang van sa isang trailer truck umaga ng Marso 4, 2004.


Hangin mula sa hininga ni Billie Eilish, ibinebenta ng higit ₱600K sa masugid na mga tagahanga ng singer

3:25 AM
Larawan mula sa Balita




Pinagka-kitaan ng isang masugid na tagahanga ng American singer-songwriter na si Billie Eilish ang hangin na mula sa kanyang hininga.
 
Ang “very rare air” na nakasilid sa isag plastic at container ay naibenta ng isang netizen na may account name na @rev1on na kanyang ipinost sa “Carousell” sa halagang SGD5,000 o katumbas ng ₱604,650.

 
“I stood at the very front and managed to get her air in the plastic when she screamed her lungs out during the concert! For those who missed the concert you can buy this!! Very rare air!!” pahayag sa deskripsyon ng post.




 
Sa post ni user @rev1on ay kalakip ang dalawang larawan ng “very rare air” na nakasilid sa isang sealed plastic bag, at ang isa naman ay nasa loob ng plastic container.




 
Sinigurado ng seller na hindi makakalabas ang hangin kaya naman nilagay niya ito sa isang “air tight container.”
 
Maraming mga tagahanga ang napa-react at umaasang ang susunod na ibebenta ay ang “odour” o “utot” naman ng sikat na singer.

 



Mayroon din namang nag-duda sa proseso kung paano nakuha ang hangin mula kay Billie.

 
“[M]y question is how did the person [managed] to catch just only her air ? Isn’t the air mixed with the audiences too?” tanong ng netizen na si Thornlessoul


Billie Eilish habang nagpeperform | Larawan mula sa Manila Standard


 
Kamakailan lang ay nasa Singapore at Thailand din si Billie para sa kanyang Happier Than Ever, The World Tour.