Dwayne "The Rock" Johnson, binigyan ng mamahaling sasakyan ang isang fan na Navy veteran dahil sa nakakaantig na kwento nito - The Daily Sentry


Dwayne "The Rock" Johnson, binigyan ng mamahaling sasakyan ang isang fan na Navy veteran dahil sa nakakaantig na kwento nito



Larawan mula sa Instagram ni Dwayne Johnson

 

Hindi akalain ng isang fan ng Hollywood action star na si Dwayne “The Rock” Johnson na siya ay makakatanggap ng napaka bonggang sorpresa mula sa kanyang iniidolo.


Noong Nobyembre 24 ay nagtungo si Johnson sa screening ng kanyang bagong pelikula na “Red Notice”, kung saan kanyang inanunsyo na mayroon siyang espesyal na regalo para sa isang Navy veteran na si Oscar Rodriguez.


Larawan mula sa Instagram ni Dwayne Johnson



Sa kanyang post sa Instagram, binahagi ni Johnson kung bakit si Oscar ang kanyang napiling bigyan ng regalong napaka espesyal.


Naantig umano ang action star sa kuwento ng buhay ng Navy veteran, na ngayon ay isang personal trainer na nagbibigay din ng tulong at suporta sa mga babaeng biktima ng karahasan.


Larawan mula sa Instagram ni Dwayne Johnson


Ani Johnson, ang plano talaga niya ay ibigay ang gamit niyang sasakayan sa pelikulang Red Notice, ngunit hindi pumayag ang Porsche. 


Larawan mula sa Instagram ni Dwayne Johnson


"Today was a good day. Merry Christmas @coach_orod and enjoy your new truck. I invited fans to a special theater screening of RED NOTICE and I wanted to do something cool for all of them," panimula ng aktor sa kanyang post


"I also wanted to do something BIG… something MASSIVE… something unforgettable for one fan,"


Larawan mula sa Instagram ni Dwayne Johnson


“My original idea was to give away the Porsche Taycan, that I drive in the movie, Red Notice. So we reached out to Porsche, but they said no.” paliwanag ni Johnson 



Dahil dito, mas naging espesyal at maganda ang regalong natanggap ni Oscar mula kay “The Rock”, binigay lang naman niya ang kanyang truck.


Larawan mula sa Instagram ni Dwayne Johnson


"I gathered as much information as I could about everyone in the audience and ultimately, Oscar’s story moved me. Takes care of his 75 year old mom. Personal trainer. Leader at his church. Provides support and meals for women victimized by domestic violence. Proud and humble Navy veteran. Kind human being. Oscar said it right, just before he drove away -- it’s just love. That’s all it is, brother. Just love. Go enjoy your new truck dude and Merry Christmas to you and your family!!!" 


Sa video naman na binahagi ni Johnson, kitang kita ang emosyonal na si Oscar at tila hindi makapaniwala sa regalong natanggap.


Larawan mula sa Instagram ni Dwayne Johnson


Labis naman na nag papasalamat si Oscar sa maagang pamasko na kanyang natanggap mula sa iniidolo.



Sa sobrang tuwa ay napaupo pa ito halos sa semento na parang hindi makapaniwala sa magandang

 pangyayari.


Larawan mula sa Instagram ni Dwayne Johnson


Sa mga larawan ay makikitang naiyak pa ito sa tuwa at mihigpit na niyakap ang aktor.