Naaalala niyo pa ba ang “pantasya ng bayan” noon na si Joyce Jimenez? Nasaan na kaya siya ngayon? - The Daily Sentry


Naaalala niyo pa ba ang “pantasya ng bayan” noon na si Joyce Jimenez? Nasaan na kaya siya ngayon?



Kung ikaw ay batang ’90s, siguradong kilala mo ang sexy star na Joyce Jimenez na talaga namang nag-iwan ng marka sa mundo ng showbiz sa buong Pilipinas noon.
Photo credit to the owner

Minsan siguro ay napapaisip at napapatanong ka rin kung ano na kaya ang nangyari at kung nasaan na nga ba ang tinaguriang “Pantasya ng Bayan.”

Bago ang lahat, nagsaliksik muna kami ng ilang impormasyon patungkol kay Joyce.

Ayon sa isang article ng GMA News, Joyce Reintegrado ang totoong pangalan ng sexy star.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

Isa sa mga naging pelikula nito ay ang “Warat” kasama ang aktor na si Jomari Yllana.

Bukod sa pagiging sexy star ay sinubukan rin ni Joyce ang romantic comedy tulad ng ‘Ano Bang Meron Ka?’ kung saan nakatambal niya si Deither Ocampo at 'Narinig Mo Na Ba Ang L8test?' kasama naman si Aga Muhlach.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

Nakasama rin ni Joyce si
na Assunta de Rossi at Comedy Queen of the Philippines na si Aiai Delas Alas sa pelikulang “Pinay Pie.”

Naging suki rin ng mga men’s magazine ang aktres noong ’90s at huli siyang naging cover ng FHM Magazine noong 2007.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

Noong August 2008, nagpakasal si Joyce sa kanyang Fil-Am boyfriend na si Paul Ely Egbalik na isang US Air Foce.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

Ngayon ay may tatlo na silang anak na sina Jorja Ely, Jaysen Elise, at Julian Elysson.
 Jorja Ely, Jaysen Elise, at Julian Elysson / Photo credit to the owner

Sina Jaysen at Julian ay parehas na-diagnose ng Autism. Simula noon ay naging strong advocates for awareness ang kanilang pamilya.
Photo credit to the owner

Sa kabila ng pagkakaroon ng tatlong anak ay hindi parin maitatanggi na sexy at fit pa rin ang dating tinaguriang pantasya ng bayan.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

Ngayon ay naka-base na ang kanilang buong pamilya sa Southern California kung saan dun din siya ipinanganak at lumaki. Si Joyce ay full-time mommy and wife.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

Taong 2016 naman noong bumalik sa Pilipinas ang aktres upang daluhan ang kasal ng kanyang kaibigang si Rufa Mae Quinto.
Photo credit to the owner

Nagpost din siya ng kanyang larawan noong 2017 patungkol sa kanyang health journey.

“…The pictures reflect my 3 weeks of progress and to see the changes since have been amazing. Not only has my body physically changed but also my eating habits, mentality, and thought process. I've realized that it's not just about the number on the scale but how you feel. The difference in weight is only 5lbs but I can definitely see the changes. If you think that you can't change your habits YOU CAN, If you can't lose those last couple of lbs YOU CAN...sometimes you just need a little help, motivation, and encouragement. PM so we can start this health journey together!"

Photo credit to the owner


***