Larawan mula sa Facebook | Wany Grino |
Isang bagong licensed pharmacist ang hinangaan ng mga
netizens at nag viral sa social media matapos niyang ihayag na hindi niya ikinahihiya
na siya ay naging isang kasambahay.
Isa sa Joanna Grino sa estudyanteng mahirap ngunit kanyang pinatunayan na hindi dapat maging hadlang ang kahirapan upang makapag tapos ng pag-aaral.
Larawan mula sa Summit Express |
Ipinanganak sa isang mahirap na pamilya si Joanna at anim
silang magkakapatid, kaya naman ay nag trabaho bilang isang kasambahay habang
kanyang tinatapos ang kanyang kurso.
Dahil sa kanyang tiyaga, lakas ng loob at determinasyon ay
kanyang naipasa ang Pharmacy Board Exam nitong Nobyembre lang.
Si Joanna ay nagtapos ng kanyang pag aaral mula sa Our Lady
of Fatima University-Valenzuela ng kursong BS Pharmacy.
Ayon kay Joanna, marami silang magkakapatid mula sa Sorsogon
at sa murang edad ay naranasan na niya ang hirap ng buhay. Hindi naging madali
ang kanilang naging buhay sa probinsya at alam ni Joanna na kung hindi siya mag
hahanap buhay ay wala siyang mararating.
Nang matapos siya sa high school ay nagpasya si Joanna na
sundan ang yapak ng kanyang nakakatandang kapatid na babae at nangibang bayan.*
Larawan mula sa Facebook | Wany Grino |
“Sabi ko kila ate, ate pwede ba akong pumunta diyan sa
Manila, kahit ano lang ’yung trabaho?”
“Kasi alam ko po na wala akong future doon kundi ano lang,
siguro baka nag-asawa na talaga ko kung nandoon lang ako sa Bicol," pag
alala ni Joanna
Sa dami ng kanyang mga pinagdaanan sa buhay ay naging emosyanal
si Joanna nang kanyang alalahanin ang kanyang nakaraan.
Naibahagi din ng kanyang ate na si Mary Jane para ilarawan
kung gaano sila kahirap noon sa buhay.
“Yung ultimo po asin, yung pisong asin uutangin pa po namin
sa kapitbahay.
“Ultimong isang pirasong sibuyas or bawang na panggisa...”
Ang 23-anyos na dalaga ay namasukan bilang kasambahay sa
isang pamilya sa Bulacan. Pinanghawakan ni Joanna ang kanyang pangarap para
maiahon ang sarili sa hirap pati na ang kanyang pamilya. *
Larawan mula sa Facebook | Wany Grino |
“Hindi habang-buhay ganito ang sitwasyon ko," pahayag
ni Joanna.
“Kumbaga po kahit sobrang hirap, gagawa at gagawa ka ng
paraan para ma-push mo yung pangarap.
“At natupad ko naman po. Pharmacist na po ako ngayon.” Aniya
May dumating ding pagsubok sa dalaga sa araw ng kanyang
exam, dahil sumama umano ang kanyang pakiramdam at na-ospital din ang kanyang
ina.
Talaga naman abot-abot ang kanyang panalangin noong araw na iyon, at dininig naman ng Diyos ang kanyang dasal.
“Tapos charan nkita ko ung name ko...umiyak nku..
“Sobrang unexpected ng result diko inexpect nmasyado n
papasa ako ksi may dalawang modules n diko sure mga sagot ko.
“Grabe si Lord! Nagbunga na lahat ng dinadaing ko Kay Lord.”
Pagbabahagi ni Joanna
At ngayong tapos na si Joanna sa kanyang pag aaral, nais
naman niyang tulungan ang nakababatang kapatid sap ag-aaral nito.
“Ang plano ko po ay next year po yung sumunod po sa akin,
yung panglima ko pong kapatid si Jethro, yun naman po yung susuportahan ko po
sa college niya.”
Si Joanna ay isa namang patunay na hindi palaging hadlang
ang kahirapan para makapag tapos ng pag-aaral at magkaroon ng pagkakataon na
maiahon ang buhay mula sa hirap.
Talaga namang kahanga-hanga ang naging determinasyon ni Joanna
sa buhay.